Ciara Sotto, apektado sa laban nina Tito Sotto at Kiko Pangilinan

LAST week, inanunsyo na kung sino ang running mate ni Vice President Leni Robredo: si Senador Kiko Pangilinan. Lalaban sa pagkapangulo si VP Leni samantalang si Senador Kiko ay lalaban bilang bise presidente.

Makakalaban ni Senador Kiko si Senate President Tito Sotto. Ang ka-partner ni Senador Tito ay si Senador Ping Lacson na isa ring favorite pick bilang pangulo.

Sa darating na election, magiging mainit ang labanan, at sa likod ng lahat ng ito, apektado rin ang kanilang pamilya. Lalo na ang anak ni Senador Tito na si Ciara Sotto.

Sa kanyang interview, emosyonal na inamin na apektado siya sa mga sumisira sa pangalan ng kanyang ama, mula sa ibang tao at pati rin sa mga taong kilala niya na personal.

Hindi related sina Senador Kiko at Senador Tito pero blood related sina Ciara at ang asawa ni Senador Kiko na si Sharon Cuneta. Kapatid ni Helen Gamboa, asawa ni Senador Tito, ang ina ng Megastar na si Elaine Gamboa-Cuneta. Very close din sina Ciara at Sharon.

“I have always been quiet, ignoring negative, mean and slanderous comments about my Dad made by judgmental people, whether I know them personally or not, as if they know everything and us very well.” kwento ni Ciara.

Inamin din niya na disappointed siya sa kanyang Kuya Kiko dahil makakalaban niya sa eleksyon ang kanyang ama.

“I prayed if I should voice out my true emotions when asked about Kuya Kiko running against Dad for VP… I cried because I am so hurt and disappointed. It made me feel that my parents were of no value after all. Ate has always been considered and treated like a daughter by my Dad and especially my Mom.” emosyonal niyang sagot.

Kahit na ganito, nananaig pa rin ang maka-Diyos ni Ciara at pinag-pray sina Senador Kiko at ang kanyang ama pati na rin ang kanilang pamilya.

“I will continue to pray for them, and of course, for my Dad and his protection, wisdom, discernment, and I Praise and Thank God for giving me him as my earthly father.” deklara ni Ciara.

Hindi pa rin malinaw kung nagkaroon ba talaga ng pagtatalo ang kanilang pamilya bago ianunsyo ng dalawa ang kanilang pagsali sa eleksyon. Pero malinaw na tatanggapin ni Ciara kung anoman ang resulta at sana magtapos ito ng maayos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s