THE STARS. SUPER. FOR ALL SEASONS.

THE “P” TALKS!

BY: Pilar Mateo

ONE COMES IN. ANOTHER GOES OUT.

THE LIST IS endless. Sa rami ng mga sasali na naman sa labanang politikal in the coming Elections.

Ang bilis nga magbago ng ihip ng hangin. Madalas na matanong ang mga artista kung pagdating sa pulitika ay sasabak sila. Madalas din naman nilang sagot, lalo na ang mga talagang inaabangang sumabak dito eh, hindi o kaya eh, pagiisipan pa.

Isa sa lagi’ng tinatanong at panay na ang tanggi pagdating sa bagay na ito ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Syempre. Because her Kumare’ng Vi (Vilma Santos) has been so successful in it. Kaya baka naman daw siya eh, may plano na rin.

Recently, she surprised everyone by filing her CoC. The Li’l Brown Girl from Iriga. Bulilit ng Iriga. Her statement:

“Ako po si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang Nora Aunor sa Phillipine Showbiz ay kumpirmado pong tatakbo po sa Halalan 2022 sa pamamagitan po ng party list na (NORA A) National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

“Sa mahigit limampung taon ko po sa entertainment industry ay marami pong umuudyok sa akin na pasukin po ang public service. Ito na po siguro ang tamang pagkakataon para po pagbigyan ang mga taong nagsusulong at naniniwala sa akin na ako po ay makakatulong lalo na po sa mga nangangailangan. Panahon na po para maibahagi ko rin ang mga adbokasiya at mga plataporma na aking binuo para po sa kapakanan ng nakakarami.

“Una na po rito para po sa pinakamamahal kong sining na nagluklok sa akin sa munting kinalalagyan ko po ngayon. Sa mga manggagawa at mga taong bahagi rito mapaharap o likod man po ng kamera. Sa tagal ko na po sa industriya ay naging saksi po ako sa hindi magandang trato sa mga naging kasamahan ko sa trabaho lalo na po ang mga maliliit na manggagawa na bukod sa hindi po nababayaran ng tama ay hindi po naibibigay ang nararapat para sa kanila.

“Mayroon mang institusyong tumutulong ay nakikita ko po na hindi sapat ang medical assistance at mga tulong na naibibigay sa kanila. Kung ako po ay palarin, nais ko pong gumawa ng batas na mangangalaga sa kanilang karapatan at kapakanan lalo na yung mga hindi na makapagtrabaho at nagkakasakit. Bibigyang pansin ko rin ang dapat na benepisyong mapunta sa kanila at sa kanilang pamilya para makatulong sa kanilang kabuhayan. Kasabay nito, bibigyan ko rin ng prayoridad ang mga nasa sektor ng media lalo na ang mga nasa entertainment. Karamihan sa kanila ay walang fix na suweldo kaya dapat din silang tulungan.

“Pangalawa, sa mga katulad ko naman pong senior citizen ay alam ko po na may mga benebisyo na ring natatanggap pero naniniwala po ako na dapat pa po itong dagdagan lalo na ang buwanang pensiyon. Sa akin po kasing obserbasyon ay mas nakikinabang ng malaki ang mga nasa mauunlad na bayan na may malaking IRA. Kawawa po ang mga nasa malalayong pamayanan na wala pong pondo ang kanilang mga munisipalidad. Ang gusto ko pong maisabatas dito ay magkaroon ng National Fund para makinabang po ang mga senior citizen sa buong Pilipinas.

“Pangatlo, noong ginagawa ko po ang isa sa mga pelikula na “The Flor Contemplacion Story” na umiikot ang istorya sa mga OFW ay namulat po ako nang husto sa kalagayan at problema ng mga kinikilala nating mga Bagong Bayani ng ating bansa. Marami po talagang nagiging biktima ng rape, nakukulong ng walang sala, inaabusong pisikal ng mga amo, namamatay na hindi maiuwi, biktima ng human trafficking, illegal recruiting at marami pang iba. Nakakaawa po ang mga sinasapit nila na ang tanging dahilan lang kaya nangibang bansa ay para lang po makatulong sa kanilang pamilya.

“Gusto ko pong maisabatas na magkaroon po ng karagdagang pondo para sa kanila para po hindi na maulit ang malagim na sinapit ng iba po nating kababayang OFW. Karapat-dapat po silang bigyan ng atensiyon dahil napakalaki po ng kontribusyon nila sa ekonomiya ng ating bansa.

“Pang-apat naman po ay para sa mga Kabataan na Pag-asa po ng ating Bayan. Marami pa rin po sa sektor na ito na hanggang ngayon ang salat sa edukasyon na kailangang pagtuunan ng pansin. Malaki pong tulong ang nagagawa ng mga out of school youth at scholarship programs ng gobyerno pero kulang na kulang pa rin ito dahil napakataas pa rin ng antas ng hindi nakakapag-aral. Marapat lang po na madagdagan ang pondo ng ating mga state university para marami pang mga kabataan ang makinabang at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaugnay nito, gusto ko ring isulong na mapataas ang suweldo ng mga guro na katuwang ng mga magulang sa pagbuo ng mga pangarap ng kanilang mga anak.

“Paglima, ang mga kaibigan natin na nasa sektor ng LGBTQIA+ na napalaki rin ng kontribusyon sa ating pamayanan at komunidad bukod sa pagiging makapamilya nila. Mula pa noong nagsisimula po ako sa showbiz at hanggang ngayon ay naging bahagi sila ng aking karera. Marami po sa kanila ang naiitsapuwera pa rin hanggang ngayon at nagiging biktima ng diskriminasyon.

Gusto ko pong maging mabagsik ang isusulong kong batas na poproteksiyon sa kanila kung ako po ay papalarin. Gusto ko pong maging pantay adng pagtingin at respeto sa kanila gaya ng tinatamasa ng bawat mamamayang Pilipino.

“Pang-anim po ay ang mga magsasaka. Bilang anak ng magbubukid ay naniniwala po ako na isa rin po sila sa mga nakakalimutan na napakalaki ng naitutulong sa atin. Marami po sa kanila ang umaaray lalo na sa mababang bentahan ng kanilang mga inaaning palay, gulay at prutas. Ako po ay naaawa sa kanila kapag binabarat ang kanilang mga produkto. Sa totoo lang po, karamihan sa kanila ay inutang lang ang puhunan na ginamit sa mga binhi, pataba, gamot at trabahador. Gagawin ko po ang aking makakaya na maiangat sila tulad ng mga magsasaka sa ibang bansa na mataas ang pagtingin at paghanga. Kapag ako po ay nanalo, isasabatas ko ang paglilimita sa importasyon ng produktong agrikultural ganundin ang malinaw na programa sa mga magsasaka para magkaroon ng magandang kita na hindi napupunta sa wala ang kanilang pinaghirapan gaya na lamang ng pagtulong ng gobyerno sa pagbenta ng kanilang mga aanihin.

“Pampito po sa aking plataporma ay pagtutok ko po sa Kalusugan na dapat din po nating bigyan ng pansin lalo na ngayong dumadaan po tayo sa pandemya. Dapat pang palawakin ang batas sa mura at mga libreng gamot ganundin sa pag-aayos at pagtatayo ng mga public hospital na nagbibigay ng libreng medikal at serbisyo. Isusulong ko ang ‘no down payment’ policy sa pribado o publikong hospital. Dagdag pa po rito ang zero balance sa pampublikong hospital. Makakatulong ito ng malaki lalo na sa ating mga mahihirap na kababayan.

“Pangwala po ay sa Pangkabuhayan. Maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa krisis na ating hinaharap hanggang ngayon. Kailangan po ng ating mga kababayan ang mayroong mapagkakakitaan. Napakalaking hamon po ito sa bagong gobyerno na paparating. Sa ngayon, limitado ang mga puwede nating gawin para makapagtrabaho at kumita ng pera. Kapag ako po ay pinalad gagawa po ako ng mga batas na magbibigay ng hanapbuhay na kahit nasa bahay lamang ay puwede nang kumita na hindi na kailangang pang lumabas.

“Ang lahat po ng ito ay maisasakatuparan ko po kung ako po ang inyong susuportahan. Wala po akong ibang hangad kundi ang makatulong at maipadama po sa inyo ang aking mabuting hangarin.

“At kung sakali po na ako ay manalo umasa po kayo na pipilitin ko na maging mabuting lider para po sa lahat. Muli, ako po si Nora Cabaltera Villamayor, Nora Aunor at ang inyo pong Ate Guy na nagsasabing gagawin ko po ang aking makakaya upang kayo po ay mapagsilbihan ng may malinis na hangarin, tapat at may pagmamahal. Gabayan nawa po tayong lahat ng Poong Maykapal at Maraming Salamat Po.”

Two more promises and her ten commandments will be complete.

People are now really thinking. And focusing on the names they will write in their ballots.

A lot have learned their lessons. They should. We should. Not a popularity contest anymore.

Times have changed. Situations have been tweaked.

For the better. Hopefully!

$$$$$$$$$$

ON THE OTHER HAND, nauna ng nagpahayag ng pag-atras niya ngayon sa pulitika ang Representative ng ika-anim na Distrito ng Batangas na Star For All Seasons na si Vilma Santos.

The recent pandemic is highlighted as one of the reasons why Congresswoman or Ate Vi opted to take a backseat this time.

“After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,” saad nito.

“Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.

“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity.

“Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo!

“Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming maraming salamat po. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.”

Ang panahon nga raw ni Ate Vi ngayon ay mabubuhos pa rin sa pagsuporta sa kanyang katuwang sa buhay na si Senador Ralph Recto sa mga ipagpapatuloy nitong gawin sa buhay sa pulitika.

At nakita na rin natin kung paano ng ini-enjoy ni Ate Vi, hindi lang ang pagti-TikTok kasama ng anak at manugang na sina Luis at Jessy, kundi ang pagpupursige sa kanyang sarili’ng YouTube Channel na sige ang pagdami ng subscribers by the day.

Hindi na kami magtataka if the Superstar will also do her TikTok bit na ipinasubok na sa kanyang gawin on the set of one of her movies.

Ang ganda siguro nilang panoorin ni Ate Vi doing theit bit!

May pumasok. May lumabas!

Here comes the Halalan! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s