THE BOYS OF SHOWBIZ!

THE “P” TALKS!

BY: Pilar Mateo

EJAY FALCON. RUNNING?

In his hometown. In Oriental Mindoro.

He filed his CoC (Certificate of Candidacy) to run as Vice-Governor. With his running mate.

“Ngayon araw, ako po ay pormal na naghain ng aking kandidatura para sa pagka-bise gobernador ng Oriental Mindoro.

“Maraming salamat po sa patuloy na pagbati at suporta. Umaapaw po na tuwa at pananabik ang aking nararamdaman sa pagkakataong ito na mas mapaglingkuran po kayo, aking mga kababayan. Buong-buo po ang puso at isip ko na magdala ng pagbabago sa aking mahal na Oriental Mindoro.

“Sa akin pong pag-iikot sa mga barabaranggay noong nakaraang mga buwan kasama ang atin Gobernador Governor Humerlito “Bonz’ Dolor ay nabuksan po ang aking mga mata at pagiisip sa mga maari pa nating magawa at matamasa ng ating mga kababayan katulad po ng pagsuporta sa ating mga kabataan–katulad ng pagsuporta sa mas mataas na kalidad ng edukasyon, mas madaling access sa mga health services upang mas mapangalagaan ang kanilang mga sarili at iba pang mga proyekto para sa ikakauunlad ng Oriental Mindoro kasama ang atin gobernador, buo po ang suporta ko sa atin gobernador, dahil ang suporta ko po sa kanya ay katumbas din po ng suporta sa atin lalawigan,Kaya kahit marami man akong nasakripisyo lalo na kung ano man ang meron ako sa Manila ay pinagdesesyunan ko po ito at ipinalangin sa Diyos.

“Maraming magaganda at makabuluhang programa ang atin gobernador at kailangan nya din po ng katuwang para ito ay maisakatuparan at ako po at ang aking mga kasama kung papalarin ay kami po ang magiging katuwang at kasama ng atin gobernador.

“Bawat lalawigan po ay may kanya kanyang hamong hinaharap at handa po ako na busisiin ang lahat ng ito at pakinggan kayo nang sa gayon mas mapaglingkuran ko po kayo tungo sa patuloy pag-unlad.

“Kilala man po ako mga teleseryeng ginanapan ko, ako po ay tumatakbo hindi bilang artista, kung hindi bilang isang Mindoreño na handa pong maglingkod sa kanyang kapwa. Isang Mindoreño pong minsan din nangarap na umasenso sa buhay, malaking pasasalamat po sa inyong suporta. Higit po sa lahat, isang Mindoreño na buo ang puso sa anumang laban🙏💚

“Asahan nyo po na ang mamayang Mindoreño ang magiging boss ko at hindi ang interes ng iba. Pagsusumikapan ko po na maging karapat dapat na Maglilingkod para po sa inyong lahat.

“Maraming salamat po🙏💚 “

#KakampiNiGovDolor #KakampiNyoMindoreño🙏💚

I’ve known some people who are from Ejay’s hometown.

What they have to say is that a very long time ago, they have already seen just how helpful and caring Ejay has been. Not just with his own family and relatives. But within his hometown.

“Noon pa lang, amg dami na niya naitulong. Nung una, mga banca. Tapos, mga tricycle. Ang alam namin hinahati niya ‘yun sa mga sinusweldo niya sa paga-artista niya. Wala’ng halo’ng kaplastikan ‘yun. At hanggang ngayon ginagawa niya.

“Sana lang, makita ng mga tao ang ginagawa niya. Syempre, ang makakalaban niya ay batikan na sa pulitika. Attorney ‘yun, eh. Pero ako, mas masarap ‘yung naipararamdam sa ‘yo ang malasakit sa maraming paraan,” shared by Mayeth Ogbac who has witnessed the goodness of Ejay on several occasions sje goes back to their hometown.

$$$$$$$$$$

ACTOR JASON ABALOS hails from Nueva Ecija.

And just like Ejay Falcon, he was also one of the first who filed his CoC at the Comelec for the post he wants to serve in the future.

“Nag-file po ako ng COC kaninang umaga para ituloy ang nasimulan ng aking Ama (Popoy Abalos) sa pagka bokal (board member) sa ating Distrito 2 sa Nueva Ecija.

“Malaking hamon ang pandemyang ito para sa mga senior citizen kaya po napagdesisyunan namin na ako na ang magtatrabaho para po sa ating mga kababayan.

“At dahil po dito kung inyong mapagbibigyan ay ilalapit namin ang kapitolyo at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang ating susunod na magiging Gobernadora Rianne Cuevas sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng teknolohiya.

“Isa lang po ito sa aking mga magiging adbokasiya, para po sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Kailangan po namin ang inyong suporta at mga dalangin. Maraming salamat po 🙏🏼

“3 months ako nag isip kung itutuloy ko ang pagiging civil engineer o papasukin ang showbiz. Halos araw araw kinukulit ako ni Voltaire (talent scout) at araw-araw din nagdarasal ako para makapag desisyon, pero isang araw sabi ko ‘Lord kung gusto mo ako dalhin sa showbiz penge ng 3 signs na may kinalaman sa Lolo ko.’ Binigay ni Lord noon ding araw na iyun ‘yung signs na hiningi ko. Siguro ito talaga ang gusto nya maging career ko ang maging artista.

“At tumagal ako ng 16 taon ng dahil sa kagustuhan ni Lord hindi ako nawawalan ng proyekto para magbigay kasiyahan sa mga manonood.

“Ngayon suot ko ang singsing ng Lolo ko noong binata pa siya (siguro 80+ years na ito). Ilang Linggo ko na din tinatanong si Lord kung itong bagong career na papasukin ko ay sasangayon sa kanyang kagustuhan. Siya lang ang makakasagot. 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

And while making plans for his future career, in his life as a husband, Jason has been busy building his and his wife Vickie Marie Rushton’s dream house in a farm.

“Sisimulan ko na gawin ang farm house namin ni Vickie Marie Rushton sa Pantabangan, Nueva Ecija, at katulong ko dito ang Lotus Tools Philippines. Kung gusto n’yo kami samahan sa journey na ‘to at makita kung ano kalalabasan ng project namin, mag-subscribe lang sa aking YouTube account. Link ⬇️

https://youtube.com/c/JasonAbalosVlogs”

Oh, what fun! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s