Madam Inutz, natupad ang kanyang dream bilang recording artist

PAGKATAPOS mag-viral sa social media dahil sa kanyang witty na banat habang nagtitinda sa kanyang livestream, pinasok na rin ni Daisy Lopez, o mas kilala bilang Madam Inutz, ang mundo ng musika.

Sa katunyan, ni-release na ang music video ng kanyang debut single na “Inutil” last Thursday, September 23 sa YouTube.

Ayon sa komposer ng kanta na si Ryan Soto, binase ang kanta sa personality at tunay na buhay ni Madam Inutz. Mga struggle sa buhay pag-ibig, ang kanyang busy pero masayang time habang nagtitinda online, etc. Sinama rin sa kanta ang kanyang mga banat katulad ng “inutil”, “gunggong”, “oh jiiieva”, at marami pang iba.

Pop ang genre ng kanya kanta pero bumagay sa kanyang raspy voice na very common sa rock or folk na genre katulad nina Sampaguita at Aegis.

Sa unang tingin kay Madam Inutz ay mukhang palaban pero, habang nire-record ang kanyang kanta, nakikita ang pagiging professional niya at laging nakikinig sa kritisismo. May nakapagsabi na iniiwasan niya ang pagsigaw at paginom ng malalamig na tubig para ma-preserve ang kanyang boses. She makes sure na tanda niya ang kanta before recording at inulit-ulit ang pagkikinig sa demo version ng kanyang kanta para matandaan.

Dahil dito, magaan ang pakiramdam ni Wilbert Tolentino sa kanyang bagong talent. Marami ring plano si Wilbert kay Madam Inutz. Isa na rito ay gagawin si Madam Inutz bilang Brand Ambassador of Online Sellers at palawakin ang kanyang online business habang busy sa kanyang projects sa showbiz industry.

Pakinggan ang kantang INUTIL sa lahat ng online music streaming site like Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

Don’t forget to watch the official video and subscribe to Daisy Lopez YouTube account!

For Inquiries & Product endorsement call 09175INUTIL / 09175468845 or Email DLINUTIL@GMAIL.COM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s