Sen. Tito Sen: I’m ready; Helen is my life

HANDANG-HANDA na si Senador Tito Sotto sa darating na election.

Kamakailan lang, inanunsyo niya na tatakbo siya bilang bise presidente at ang kanyang running-mate na si Senador Ping Lacson na tatakbo bilang presidente.

Last Wednesday, September 22, nagkamustahan kami ni Sen. Tito kasama ang mga entertainment press. Tinanong namin ang bali-balitang tumanggi si Senador Grace Poe bilang running mate niya. Bakit kaya?

Sagot ni Sen. Tito, “Yes, I knew Sen. Grace won’t run kasi nag-uusap naman kami. Originally, si Sen. Ping Lacson, he said na kami ni Grace ang dapat na kumandidato, para maiba ang takbo ng gobyerno. But si Grace, she said, kayong dalawa ang tumakbo with your wide experience sa legislative department na madadala ninyo sa executive. So it’s Grace who gave us the idea na kami ang tumakbo. Alam ko ring si Sen. Pacquiao asked Grace to be his VP but also said no. Then she told me nga that Isko was getting her but she said no. Sabi niya, masyadong close ang families namin at ayaw niyang kami ang maging magkatapat.”

Sa darating na Oktubre 6, magfa-file na sina Sen. Tito at Sen. Ping ng certificates of candidacy (COC). Kinumperma na rin ito ni Sen. Ping sa kanyang interview sa ABS-CBN News Channel.

Dugtong pa niya, “Before we decided, matagal muna naming pinag-isipan at pinag-aralan. Ipinagdasal namin ‘yan. We studied lahat ng problems ng bansa at tiningnan namin kung may isasagot kami sa bawat isa. Binalangkas namin ang aming magiging programa. Last chance na namin ito kasi malapit na kaming maging otsenta anyos. When we made sure na kaya nga naming lutasin ang mga problema ng bansa, di na kami umatras, Sabi niya, patay kung patay na ito.”

Samantala, kinamusta namin ang asawa ni Sen. Tito na si Helen Gamboa. Matagal na ring hindi nakikita si Helen sa mga teleserye. Kamusta na kaya siya?

“She’s okay.” sabi ni Sen. Tito. “As of now, hindi siya lumalabas ng bahay. Ingat na ingat siya. May offer noon ang GMA for a soap but her doctor advised her not to accept any strenuous activity. Ngayong puede na siya, may offer na uli, but ayaw niya nung lockdown na isang buwan nandun kayo sa location. She asked me about it at ayoko rin.”

Napansin din namin na limang dekada na silang mag-asawa. Ano kaya ang sikreto nila?

“First of all, Christ centered kami. Also, we practice give and take, pero ang totoo, mas lamang ako sa paggi-give. Kasi for me, I put my wife on a pedestal. Kahit akong nasa lugar, ako pa rin ang nagso-sorry sa kanya. Machonurin. Also, lagi kaming nagbibiruan. Hindi nawawala ‘yung humor. Sabi ko nga sa mga anak namin, ang mommy nyo kasi, in love na in love pa rin sa akin. But most of all, blessing ni Lord ‘yan na magkasama pa rin kami.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s