Rico Means at Red Mendoza, mga bagong mukha ng R Multimedia Productions

INANUNSYO na ang bagong talento ng R Multimedia Productions: sina Rico Means at Red Mendoza. Mismong may-ari ng R MultiMedia Productions na si Roi Ira Jude Diego ang nag-anunsyo habang pinagdiriwan ang ika-9 na anibersaryo ng nasabing talent management company.

Ayon sa interview namin kay Roi, malaking inspiration sa kanya si German “Kuya Germs” Moreno kaya nagpupursige siyang makahanap at makatulong sa mga bagong talento.

Anya ni Roi, “I would like to continue discovering aspiring talents who have the potential to make it… I am inspired to help artists who have the passion and the drive to pursue their dreams. If I can see they are determined, then I am more than willing to help them achieve their dreams.”

Ngayon, kilalanin natin ang dalawang bagong talento ng R Multimedia Productions. Unahin natin ang baguhang singer-composer na si Rico Means. Nakabase siya sa Vietnam pero willing magsapalaran sa Pilipinas. Aminado siya na mahirap ang pinili niyang daan para sa kanyang music career. “I know it takes a lot of time and effort before one can make a mark in the business. But patience is a virtue. I am willing to wait for the right time to shine.”

Sa tingin ko naman ay naging fruitful ang kanyang sakripisyo dahil busy siya ngayon sa kanyang bagong album. Wala pang anunsyo kung kailan niya ire-release ang nasabing album.

Samantala, si Red Mendoza ay kabaliktaran ni Rico. Ilang taon na rin siya sa showbiz at habang tumatagal ay sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto. Kamakailan lang, nanalo ng second place sa digital talent search ng ABS CBN na Starhunt’s “BidaStar: Boy Next Door”.

“I am very happy to have won second place in Starhunt. It was worth all the challenges and the sacrifices. My motto has always been never given up but to continue and fuel up the passion within me. I’ve always told myself that my time will come if I will be patient. I will continue to pursue my dream and never let go of it.” sabi ni Red.

Meron ding online talk show sina Rico at Red na pinamagatang “Marupok Brothers”. Mapapanood ito every Friday at 9 PM sa KUMU app.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s