NOTES TO SELF.

THE “P” TALKS!

BY: Pilar Mateo

DIREK ZIG DULAY was tasked to do the nightly Kapuso show, “Legal Wives”.

Before it was shown, the good director poured out his emotions with the project.
“Note to Self #10: Kaya/Kakayanin/Kinaya mo ‘yan!

“NGAYONG GABI NA (July 26, 2021)ang simula ng Legal Wives, gusto kong magpasalamat at batiin ‘yung buong team na nakasama ko sa project na ‘to, hindi ko na kayo isa-isahin pa. Kulang ‘yung salita para sa walang hanggang pasasalamat. Congrats sa atin! At congrats din sa sarili ko – nakaya mo, at kinaya mo self! Congrats!

“Ang totoo, andaming pinagdaanan ng team para maisakatuparan ‘yung buong serye. Hindi ko maikukumpara ‘yung pinagdaanan ng produksyon, pero habang binubuno ‘yung mga ‘yun, nagkaroon din ako ng sariling pinagdadaanan, for sure lahat naman kami. Maliban sa anxiety at stress na dala ng pandemya; ‘yung nakaabang na panganib ‘pag lumalabas ka ng bahay, ‘yung sa dami ng kakilala mong namaalam na parang nabubuhay ka na sa bubble ng walang kasiguraduhan. Sabi ko nga, ‘pag natapos ang pandemyang ito, isisigaw ko talaga sa Sagada kung paano ako nakalaban at naka-survive, physically at lalo na, mentally.

“Last year, nangyari ‘yung isa sa pinakalugmok at pinakamalungkot na araw ng buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung paano ko haharapin o paano ko siya hindi iisipin habang nakakulong lang mag-isa sa kuwarto. Siguro dala na din ng pandemya, dala na din ng pag-iisa.

“At isa sa ipinagpapasalamat ko sa Legal Wives ‘yung pangga-ground sa akin – ibinabalik ako sa katinuan. Sa preprod, nagbasa ng tambak-tambak na scripts, inaral ‘yung bawat characters, kinukumusta ko isa-isa ang bawat departments, nakikipagtalo ako hanggang sa kung anong lente ang gagamitin at dadalhin sa set. Tapos sa quarantine days, kung anu-ano na ang ginagawa mo para lang maging busy. Natuto akong magsulat ulit ng journal, ‘yung literal na araw-araw. Sulat-kamay. At natuto rin ako mag-meditate, araw-araw din. Hanggang ngayon. Kailangan kong matutunang tanggapin na minsan may mga bagay na ayaw mo mang matapos, wala ka nang magagawa dahil di mo inaasahan at napaaga ’yung pagdating ng dulo.

“Hindi ko alam kung ilang beses ko ba dapat alalahanin ang nakaraan para makalimot. O ilang beses ba ako dapat makalimot para makaalala na kailangan kong isipin ang sarili ko, muna. Hindi naging madali para sa akin, sa totoo lang.

“Pagdating sa shoot, kailangan mo lang harapin kung ano ang ibabato ng universe sa’yo — doon ka lang gagalaw. Katulad ng iba, maraming problema ang dumating – walang tigil na pag-ulan sa Laguna, daya dito – daya doon dahil wala nang araw, paano magwo-work ‘yung scene, kinulang na sa oras, tapos may nag-positive sa Covid, nag-lockdown at marami pang iba.

“Sa sobrang dami, hindi mo na alam kung saan pa sumisingit ‘yung sarili mong pinagdadaanan. ‘Yung nakangiti ka pero nauupos ka sa loob, ‘yung tahimik ka lang sa tabi pero nagsusumigaw ang lungkot. At pinipili mong ‘wag na lang sabihin, busy ang mundo at wala siyang paki sa’yo.

“At ngayong gabi, magsisimula ‘yung natapos na. Andami kong natutunan sa Legal Wives, hindi lang tungkol sa produksyon at kung paano maging tao at magpakatao sa loob nito, hindi lang tungkol sa mga pagpapahalaga, kultura at relihiyon ng mga Mranaw, at kung paanong hindi nagiging sapat ang pag-ibig lang para hindi matuldukan ang relasyon — andami kong natutunan tungkol sa aking sarili. At ngayong gabi, magsisimula ang mga alaala.”

#LegalWivesWorldPremiere

#KalmaNagviewLangSiyaNgMyDayMoWalangMeaningYunTangaTsar

So far, I am learning a lot from the life and loves of our Muslim brothers. Their story. Culture. Traditions. And so many other facets.

Legal Wives features a story of a Maranao Muslim royalty and his relationship with his three wives.

In the cast are Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali, Andrea Torres and an able supporting cast.

Shukran! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s