KANDIDATA NG MRS. UNIVERSE PHILIPPINES 2021 SOFIA LEE, IPINAGLALABAN ANG MGA KABABAIHAN, KABATAAN AT NAGBIBIGAY NG ISANG LITRONG LIWANAG

NI: Rosahlee Bautista

PASOk ang Bisayan Beauty na si Sofia Lee (actress, singer at businesswoman) ay kasali sa ika-siyam na Mrs. Universe Philippines 2021. Siyempre nirerepresent niya ang VERITAS VIA VITAE o THE TRUTH OF THE WAY OF LIFE, Negros Oriental, ang lugar ng magagandang tanawin at pasyalan bukod pa sa mayamang kasaysayan nito.

Ang pagsali sa prestihiyosong Mrs. Universe 2021 ay hindi madali lalo na sa isang ina at negosyanteng tulad ni Sofia Lee. Mahirap pero fulfilling siya. Maituturing na isang milestone sa sinumang babae tulad ni Sofia Lee.

Hindi lamang timpalak pagandahan ang Mrs. Universe Philippines. Itatampok din dito siyempre ang pagdiriwang at pagbibigay importansiya at kapangyarihan sa mga kababaihan, at siyempre ‘yong may adbokasiya siyang ipinaglalaban at isinusulong.

Isa sa ikinakampanya ni Sofia Lee, ang paggabay at pagtulong sa mga kababaihan na nasa loob ng Correctional Institution for Women. Batid nating ang ugat kung bakit nasa loob ng Correctional ang mga naturang kababaihan ay sa iba’t ibang kadahilanan, hindi lang basta dahil nakagawa sila ng isang kamalian o krimen. Karamihan sa kanilaý naging biktima rin ng karahasan, ng unstable family life, walang matibay na pundasyon at suporta mismo sa kani-kanilang pamilya, substance abuse o adiksiyon at ang ilan ay mental health problems. Hindi porke nasa loob sila ng bilangguan ay kakalimutan na lamang sila o babalewalain.

“Bilang tao, hindi tayo nabubuhay para manghusga o para sa sarili lamang, bagkus, kung may kakayahan tayong makatulong para sa ikabubuti ng iba, mas mainam.” Seryosong pahayag ni Sofia.

Tumutulong rin si Sofia sa mga batang nasa lansangan, nag oorganisa ng mga charitable projects sa pakikipagtulungan sa mga bahay ampunan. At isang proyektong nagawa rin nito ay ang pagbibigay ng solar lamps lalo na sa Sitio Bakal, na walang mga poste ng ilaw. Alam naman nating hindi ligtas ang mga lugar na hindi naiilawan sa gabi. Mga limangpung pamilya ang nakinabang na rito sa pakikipagtulungan ni Sofia sa Liter of Light. Ang Sang Litrong Liwanag ay nagpopromote din ng recycling. Mula sa mga basura, mga gamit na plastic bottles, nirerecyle ito, rubbish na pvc, kinoconvert into solar lights. Ang Liter of Light ay nagbibigay liwanag, tanglaw sa mga komunidad na wala pa ring ilaw o kakayahang magkailaw sa kanilang lugar o tahanan. At mahalaga ito para magkaron ng sekyuridad ang bawat pamilya sa mga lugar na madidilim.

Sa panahong ito ng pandemya, ang isipin ang kalagayan ng ibang tao o kapwa ay napakahalagang bagay. Napakalaking bagay. Na, siya namang dapat ginagawa ninuman. Hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang. Ngunit dito makikita ang kaibahan ng bawat isa. Yong mga nabubuhay sa karangyaan pero walang pakialam sa kapwa at yong mga taong gumagawa ng paraan para makatulong at may magawa para sa bayan at sa kapwa tao kahit sa napakasimpleng bagay lamang.

Ang aim ng Mrs Universe Philippines 2021 ay makahanap ng kinatawan ng Pilipinas para sa Mrs. Universe Internationa na gaganapin sa Seoul , Korea mula Nobyembre 27 hanggang ika-lima ng Disyempre, 2021.

Sa kabila ng pagiging sobrang abala at kabi-kabilang commitments ni Sofia, hindi nito nakakaligtaan ang pinakamahalang papel na ginagampanan niya ay ang pagiging ina. At isa sa paborito nitong gawin ay ang pagluluto ng pagkain, lalo nang Thai foods para sa kanyang mga anak. At bukod riyan, nagagawa pa rin nitong bigyan ng oras ang sarili para sa self-improvement at ehersisyo. Nagagawa pa rin nitong mag-firing. Mag Muay Thai at pumunta sa gym talong beses kada linggo para sa kanyang kalusugan at mapanatili ang pagkakaron ng malakas at magandang katawan. Sa panahon ngayon, hindi madaling balansehin ang mga bagay na ito ngunit kung ikaý determinado, walang imposible at lalong walang mahirap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s