LAI AUSTRIA, DEDMA SA MGA BASHERS; MAY BAGONG NEGOSYO NA NAMAN

Trending at mainit na pinag-usapan si Lai nitong mga nakaraang araw dahil sa lumabas at kumalat sa social media na screenshots ng convo ng kanyang dini-date, at pinaniniwalaan ng karamihan na new sweetheart niya si Rob Moya. Bukod sa sikat na vlogger, kilala as Smiling Face or Miss Bungisngis, may mahigit isang milyong followers si Lai Austria.

Nakilala rin bilang model. Kabi-kabila ang endorsements at brand supports ni Miss Bungisngis. Super pak at K ang smiling face niya. Meron din siyang pinopromote na brand ng sapatos sa kanyang online media. Isantabi muna natin ang mga tsismis sa kanila ni Rob. Kilalanin muna natin si Lai. Nasa kanyang 20’s lang si Miss Bungisngis. Malaki ang age difference nila ni Rob Moya.

Alam niyo bang branch owner ng Power Fill Gas Station si Lai? Brand Ambassador din siya ng Jimm’s Coffee Mix, naging Tanduay Angel 2018 at Tanduay Rhum official, modelo ng Skin Unique Facial Care and Spa, endorser-model/monster girl ng Monster Energy, endorser-model ng Premiere Vixen 2017 ng Premiere Condoms, may-ari ng Beauty Lai, at ang latest ay reseller ng Chooks To Go products (#ManokNgBayan).

Maraming nangba-bush ngayon kay Miss Bungisngis pero katwiran niya ay wala siyang pake. Basta batid raw niya sa sarili na wala siyang tinatapakang tao. Tuloy lang ang buhay at hinding-hindi siya padadaig sa mga nangda-down sa kanya. At higit sa lahat, ayaw niyang magpakaapekto. Bless pa rin siya sa buhay at sa kabila ng pandemic ay tuloy-tuloy lang ang blessings ng kanyang tinatamasa. Ang mahalaga ay pabongga ng pabongga ang kanyang career at masaya siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s