VICE MAYOR NG BALIWAG AMBULANSIYA NG MASA, CHRISTOPHER “CRIS” F. CLEMENTE

Tinaguriang Ambulansiya ng Masa ang Pangalawang Punong Bayan Christopher (Cris) F. Clemente, ng NUP o ng National Unity Party (Partido ng Pambansang Pagkakaisa na pinamumunuan ni Ronaldo Puno) , dahil sa aksiyong mabilis, serbisyong Clementeng hatid nito. Minamahal ng kanyang mga kababayan, numero uno pagdating sa paglilingkod sa masa. Nasa puso nito ang serbisyong marangal at matapat.

Lumaki sa hirap ang bise alkalde ng bayan ng Baliwag, Bulacan kaya’t dama niya ang nararamdaman ng mga kababayang naghihirap. At sumumpa na hinding hindi pababayaan ang mga kababayan, sama sama sila sa tagumpay ng laban.

Sa pakikiisa sa kanyang panganay na anak na si Ate Charm, maraming programang naisakatuparan si Vice. Kung serbisyo rin lang ang pag uusapan, may mga sandali pa noon, na si Vice Mayor Cris pa mismo ang naghahatid ng mga kababayang maysakit sa mga ospital tulad ng Bulacan Medical Center, PGH, San Lazaro Hospital, Philippine Heart Center, at sa iba’t iba pang pampublikong pagamutan sa bansa.

Sabi pa ng panganay na anak ni Vice na si Ate Charm, “Simula pagkabata, nakita ko na ang dedikasyon ng aking ama sa paglilingkod. Kaya’t siya ang aking naging inspirasyon sa pagtulong at paglilingkod mula noon. Nagsilbi akong SK Chairman nong 2010 hanggang 2013. Nasubok na ang samahan naming mag-ama sa serbisyo. Ang Barangay Hinukay ay nasa parting kabukiran , katuwang ng aking ama, naipagawa namin an gaming covered court, namahagi ng mga gamit pang eskuwela at naipagawa rin namin noon ang mga street lights para maging ligtas ang aming mga kabaranggay.”

Ilan pa sa mga naging programa nitong naisakatuparan katuwang ang panganay na anak ay ang mga sumusunod ; Pagbibigay tulong (Pinansiyal, Hospital Bill, Medical, Burial, Medicine, Dogbite, etc) ; May People’s Day din si Vice upang makadaupang palad ang kanilang mga kababayan sa kanyang tanggapan sa Villa Isabel Townhouse, Brgy San Jose, Baliwag tuwing M-W-F,mula 7:30 hanggang 9 ng umaga ; Kaagapay para maghatid ng mga maysakit sa iba’t ibang pagamutan ; May libreng mainit na kape at pandesal sa People’s Day; Libreng pagamit ng mga upuan, lamesa at tent; Libreng gamot para sa mahihirap mula sa Libreng Botika ni Ate Charm.

Nitong panahon ng Covid-19, namahagi sila Vice Mayor ng mga libreng bitamina para sa mga bata; namahagi ng relief sa kasagsagan ng lockdown (tinawag nila itong Task Force Covid-19 Relief Operation) ; namahagio ng PPEs sa 7 bayan ng 2nd Dsitrict para sa proyektong Proteksiyon sa Sarili, Proteksiyon sa Katabi– Baliwag, Bustos, Balagtas, Bocaue, Pandi, Plaridel at Guiguinto); Hatid Kalusugan sa Barangay (Libreng pakain para sa malnutrisyon at libreng Vitamin C, handog ng Kusina ni Ate Charm); OPLAN ECQ, Katid Kalinga, libreng pakain sa mga checkpoint sa bawat barangay sa District 2.

Bukod pa riyan ang pagbibigay ng trabaho dahil sa mga personal nitong negosyo gaya ng I.F. Clemente Costruction Company, CF Clemente or CC transportation business, maraming kababayan ang nakikinabang at natutulungan talaga.

Iilan ang mga nagsisilbi ng tapat sa ating mga nanunungkulan kaya’t mapalad ang mga bayang may matapat na tagapaglingkod. Buong puso at oras ang ibinabahagi nila sa kapwa.

Nagsimulang manungkulan bilang Bise alkalde sa bayan ng Baliwag si Vice Mayor Cris mula noong taong 2013.

Ipinagmamalaki ng bayan ng Baliwag na ang pangunahing produkto nila ay ang bigas. Agricultural town ang bayan nila. Napakasisipag ng mga tao rito, ayon pa kay Vice Mayor, na kapag natapos ang pag-ani isinusunod naman nila ang pagtatanim ng mga gulay.

Kilala rin ang bayan sa kanilang Buntal Hat and Bags; Bakeries (Native Pandesal, Ensaymada, Spanish Bread); Native Delicacies (Chicharon, Puto, Pastillas de Leche); Lechon Manok (kilalang kilala ang Baliwag Lechon Manok).

May panukala na para maging lungsod ang Baliwag. Ilan sa mga makikita sa bayan ay ang mga sumusunod ; malls & supermarkets (SM City Baliwag, A Square,Puregold Baliwag, Super8 Grocery Warehouse, Puregold DRT Highway, Puregold Tangos, Savemore Supermarket, Ultra Mega Supermarket, Unitop Baliwag, Waltermart Mall Baliwag).

Aksiyong Clemente, mabilis talaga! Sa track record nito, tiyak masasagasaan ang mabagal at hindi nakapokus sa serbisyo talaga. Ang pagiging politiko, ikaw ang naninilbihan. Alam mo dapat ano ang pangangailangan ng iyong mga kababayan. Kay Vice Mayor Cris, naaalagaan ang mga nangangailangan.

Mahalagang kilalanin ngayon pa lang ang mga politikong maka-Diyos; makatao; imakabayan; at makakalikasan. Sila ang mga politikong tunay na may malasakit sa kabutihan ng bayan, lalo na sa mga maralita. Wala silang hinahangad kundi ang makapaglingkod sa taong-bayan. Ipinagtatanggol nila ang karapatang-pantao ng bawat mamamayan, maging mababa pa man ang kanilang pinanggalingan. Hangad nila na magkaroon ng tunay na katarungang panlipunan

Mapalad ang bayan ng Baliwag sa pagkakaton ng isang Ambulansiya ng Masa sa katauhan ni Vice Mayor Christopher “Chris” Clemente.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s