Miss Bulgaria, hindi raw deserving manalo si Miss Mexico sa 69th Miss Universe

BINULGAR ni Miss Bulgaria Radinela Chusheva na hindi niya bet manalo sa 69th Miss Universe si Miss Mexico Andrea Meza.

Nag-umpisa ang lahat ng ito sa Instagram Story ni Radinela na pinost last Tuesday, May 18. Hinihikayat niya ang kanyang followers na tanungin siya tungkol sa pageant at prangkahan niya itong sasagutin.

Isa sa mga unang tanong ay “Are you happy with the winner?”

Sagot ni Miss Bulgaria: “No!!”

Inisa-isa niya ang kanyang mga paborito na sa tingin niya ay dapat manalo sa pageant:Thailand, Malaysia, Colombia, at Costa Rica, at ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Matatandaan natin na nakapasok sa Top 21 si Rabiya.

May nagtanong na netizen at sinabing “Do you think Mexico Deserve the crown?”

“No!” sabi ni Miss Bulgaria.

Pagkatapos nito ay sinabi ang gusto niyang manalo bilang Miss Universe: si Miss Canada Nova Stevens.

“She’s the best! It’s my icon!” ani Miss Bulgaria.

Meron namang nagtanong na isang Mexican fan ni Radinela na nalulungkot sa sinabi niya.
Pero ito ang sagot ni Miss Bulgaria, “Sorry not sorry! Im just telling you what I think!

“I was more than 10 days with 73 girls! Still don’t know which one was Mexico?!

“PS: Excuse my English! its not good”

Hindi nag-iisa si Miss Bulgaria. Maraming beauty pageant fans ang disappointed din sa resulta. Nag-trending din ang tag na “Bakit Mexico” sa Twitter last Monday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s