Beauty queen-Businesswoman Aida Patana, mas pinalawak ang pagtulong

BOOMING ang business ng Cebuana beauty queen na si Aida Patana.

Nasa Metro Manila ngayon si Aida para i-promote ang kanyang online show na The Aida Patani Show. Mapapanood ang nasabing online show live from Mondays to Fridays at 8PM. Siguradong matutuwa ang mga manonood dahil sa dami ng celebrity guests katulad ni Claudine Barretto.

Maliban sa kanyang show, marami ring business na hawak si Aida. Isa na rito ang Michel’s Wine, Mont St. Michel purified drinking water, at M Talent Events & Promotion.

Despite all the success, merong mga masasamang tao ang gusto siyang i-scam. Kamakailan lang, halos araw-araw siya kinokontak para sa food deliveries na hindi naman niya ino-order. Iba’t ibang klaseng pagkain ang dine-deliver sa kanyang opisina.

“Nagulat talaga ako. First time in my life na may dumating na ganun kadaming delivery na pagkain sa akin,”

“Naawa ako sa mga nag-deliver kaya kinuha ko na lang lahat. At yung pagkain pinamigay ko na lang sa mga security guards and neighbors namin.” kwento ni Aida.

Dagdag pa niya, “Iba-ibang SIM card ang ginamit using my name. I have no idea who’s behind this scam. Sana tigilan na nila ang panloloko nila. Ang ginawa ko, pina-block ko na ang name ko sa mga delivery booking,

“Please lang! Huwag na ninyo akong padadalahan ng pagkain dahil dalawang international competition ang sasalihan ko, Kailangan ko magpapayat.”

Kahit na ganito, nag-focus na lang si Aida sa kanyang business at ang paglilingkod sa kapus-palad. Katunayan, kasama ang MLhuillier, namimigay siya ng libreng insurance para sa taong bayan.

Focus din sa susunod na beauty pageant si Aida. Isa na rito ang Mrs. Tourism Ambassador sa Kota Kinabalu, Malaysia (July 7-12, 2021), at Mrs. Universe 2021 sa Seoul, South Korea (Nov. 27-Dec. 5, 2021).

Truly, beauty inside and out ang guwapa na si Aida Patana. Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Aida, visit her Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s