Jojo Bragais, official shoe sponsor ng Miss Universe 2020

KAHIT na apektado ang shoe business niya dahil sa pandemic, muling humahataw si Jojo Bragais dahil pinili ng Miss Universe ang kanyang shoe brand bilang official shoe sponsor.

Isa itong malaking karangalan sa ating bansa at nakakabilib dahil ang Miss Universe organizers ang mismo lumapit sa kanya.

Talaga namang malayo na ang narating ni Jojo kumpara sa kanyang simpleng buhay noong 2014.

Nag-umpisa ang lahat ng tinulungan niya ang kanyang kaibigan na si Yvethe Marie Santiago na noon ay kinoronahang Binibining Pilipinas Supranational 2014. Walang mabigyang financial si Jojo kay Yvethe pero willing niyang tulungan ang kaibigan sa pamamagitan ng kanyang mga sapatos na dinesenyo niya.

“Yvethe, wala akong pera to support you financially ha. Pero all the shoes that you need tutulungan kita. Tapos, when Binibini saw the shoes, pinatawag nila ako and asked me if I wanted to be the official shoes in 2015.” kwento ni Jojo.

Fast forward to the present day, nakatanggap siya ng tawag last March. Ang tumawag sa kanya ay si Shawn McClain, Miss Universe Organization Vice President.

“It was around the first week of March. I was in Lucban, Quezon for a quick vacation. that’s when I first spoke to Shawn. I was very surprised that Shawn was calling me because the truth is, I didn’t reach out to the Miss Universe Organization. I didn’t want to assume anything, but I was curious.

“Shawn told me that the Miss Universe Organization wanted to make sure that there was also diversity in their sponsors. It is not so much that there were issues with the American brands. But that they, MUO, also wanted the rest of the world represented.” sabi ni Jojo.

Pagkatapos ikwento ni Shawn ang lahat ng plano sa para sa 69th Miss Universe pageant, tinanong na niya si Jojo kung gusto ba niya na maging official shoe sponsor. And Jojo said yes.

Pero hindi muna inanunsyo ni Jojo ang magandang balita. Hinintay muna ma-finalize ang kontrata. Sumunod ay kung papaano makakakuha ng raw materails at ipapadala ang finish product sa Florida, USA bago ang pageant.

Last Saturday, April 17, inanunsyo sa Miss Universe official Facebook page na Official Footwear ng 69th Miss Universe ang Jojo Bragais Shoes.

Pipili ang mga kandidata mula sa tatlong iba’t ibang shades in “Jehza” design. Magkakaroon din sila ng silver pair during the competition.

Maliban sa kanyang shoe business, busy rin si Jojo bilang producer sa bagong BL series na “Limited Edition” at mapapanood ito sa Bragais TV on YouTube.

Makakasama sa nasabing show sina Ron Angeles, Andrew Gan at Jomari Angeles. Together with Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris, at iba pa. Sa panulat ito ni Joni Fontanos at sa direksyon ni Jill Urdaneta.

Nag-umpisa ang lahat ng blessing ni Jojo dahil sa simple act of kindness sa kanyang kaibigan. Hindi na ako magtataka na tuluy-tuloy na ang kanyang tagumpay sa ibang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s