Cloe Barreto, nakakabilib ang talento sa pag-arte ayon kay Joel Lamangan

Kahit baguhan pa sa larangan ng pag-arte si Cloe Barreto, marami ang bumilib sa acting prowess niya. Isa na rito ang direktor ng Silab na si Joel Lamangan.

Anya, “Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.

Very challenging ang role ni Cloe. Gaganap siya bilang isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

Iba’t ibang emosyon ang pinakita ni Chloe para mailabas niya ang tunay na kulay ng kanyang karakter.

“Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos,” kwento ni Cloe.

Makakasama ni Cloe sa Silab ang mga magagaling na artista katulad nina Jason Abalos, Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Karl Aquino at Quinn Carrillo.

Ito’y pamamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan, mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s