Eduard Banez, magbabalik-‘Pinas; may bagong project sa Net25

GUSTONG ituloy ang showbiz career ni Eduard Banez sa Pilipinas pagkatapos manirahan sa United States for 5 years.

Aminadong nami-miss niya ang Pilipinas kahit na okay ang kanyang buhay sa States.

“Siyempre, gusto ko pa rin sa bayan natin,” sabi ni Eduard.

Ikinuwento pa niya na nakatanggap na siya ng libreng bakuna sa States.

“It was free. I developed a mild allergy, but I am okay now.”

Matatandaan natin na nag-umpisa ang kanyang showbiz career nang sumali siya sa Star Magic Batch 15 noong 17 years old pa siya.

Kasabayan pa niya noon si Jessy Mendiola, Bela Padilla, at Megan Young.

Sumunod na mga taon, co-anchor ng Radyo Singko 92.3 News FM kasama si Arnell Ignacio.

Pagkatapos nito ay umalis siya sa Pilipinas at pumunta sa US para ipagpatuloy ang kanyang career. Nakatrabaho pa niya sina Ed Sheeran at Justin Bieber.

Sa ngayon ay hinihintay niya ang perfect project ng Net25 para sa kanya. Gusto rin niya gamitin ang kanyang impluwensya para makatulong sa kapwa.

“I wast to pursue my plans so that if I become successful, I can help more people,”

Dagdag pa niya, “I want to help the poor people. I also want to build an orphanage for the children in the Philippines.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s