Allen Dizon, palaban pa rin sa sexy scenes sa pelikulang ‘Abe Nida’

WALANG kiyeme itong si Allen Dizon pagdating sa mga daring scenes. Ito ang kanyang inamin during ng press conference ng bago niyang pelikula na Abe Nida. Nangyari ang nasabing presscon sa Marco Polo Hotel, Ortigas last Wednesday, March 10, 2021.

Hindi na ito nakakataka dahil sanay na siya rito since nag-umpisa pa siya sa showbiz.

“Ako kasi, pagdating sa daring scenes, wala akong kiyeme, e.

“Siyempre, babae iyong ka-partner natin at si Direk Louie [Ignacio] kung paano ang execution, paano kung ano ang gusto niyang mangyari. Siya ang director, at sa kanya ako magdi-depend.” sabi ni Allen.

Alam mong very professional si Allen dahil sinisigurado niya na okay ang magiging ka-partner niya bago muna nila gawin ang scene. Katambal niya sa pelikula si Katrina Halili.

“At oo, kailangang mag-usap kami [ni Katrina] kasi baka meron siyang limitations.

“Meron siyang dos at don’ts, ba, mahirap.

“Kung ano iyong kaya kong takpan sa kanya o kung paano dadayain.

“Siyempre, di ba, babae. Ako, okey lang ako, wala naman iyon sa akin.

“Hindi pa niya alam ang extent kasi, I’m sure nabasa na niya iyong script, pero kapag nasa shooting ka, iba iyong nasa set ka na, e.

“Ang daming nababago. Minsan nga walang dialogue, pero pagdating sa set, may dialogue ka na.

“At saka dapat talaga, may chemistry.

“Walang halong acting, kailangan natural.” deklara ni Allen.

Napansin ni Allen ang pagbabalik ng mga sexy movie pero aminado siya na mas maganda ngayon dahil mas priority ang kwento at galing sa pag-arte kaysa mga daring scenes.

Anya, “Bumabalik iyong panahon.

“E, forty-three na. After twenty years, magpapa-sexy ulit.

“Pero iba iyong genre nun, e.

“Dati parang ang pagiging sexy lang ang makikita sa iyo. Iyong pagnanasahan ka lang.

“Ito iba, ito e. Ito, may halong acting talaga.

“Secondary na lang iyong sexy-sexy. Primary pa rin iyong acting.

“Excited ako, kasi noon, nagpapakilala ka pa. Sexy-sexy ka.

“Ngayon, iba na, e.”

Maliban kay Allen, makakasama rin sa pelikula sina Katrina Halili, Laurice Guillen, Leandro Baldemor, Maureen Mauricio , Vince Rillon at Mayora Ina Alegre. Ito’y sa direksyon ni Louie Ignacio at produced by BG Productions International lady producer, Ms. Baby Go.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s