THE ONLY STATEMENT FROM KITKAT!

THE “P” TALKS!

BY: Pilar Mateo

THIS is about the “fight” she had with co-host Janno Gibbs on their “Happy Time” taping.

Which was recorded and the management viewed.

“Ginawa ko po ang dapat gawin.

“Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.

“Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.

“Oo, inaamin ko yung pinakauna kong statement na ipina-delete din sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan.

“Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo.

“Natanggal ako sa afternoon show namin, sa dahilang di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay.

“Naiintindihan ko naman.

“Provoked? We were playing games, of course, ‘asaran’ is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawala ka were not part of the game …

“Play. Naglalaro tayo, naglalaro.

“Napikon ka. Yan ang nangyari… Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera. Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.

“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang. Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked’?

“Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo.

“Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?

“Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa ‘yo yan.

“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho.

“Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong napatawad na rin kita.

“Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo.

“Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan…
But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it.

“You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.

“Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and ‘yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.

“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.

“Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko.

“Mahal ko po kayo with so much respect…

“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.

“This is the last time I am going to talk about this.

“Maraming Salamat Po 🙏🏻”

Janno earlier released a statement through his management and PR.

People are hoping all will be laid to rest.

Because of this, KitKat was also asked to leave her other show, “Kesaya-Saya” on Net25.

Are these signs telling that KitKat is not meant to work in Net25? When this happened, her endorsements even grew.

All said and done, KitKat’s wish is to be at the right place, right time, with the right people and situation.

“Sabi nga ng manager ko na sa Viva rin, si Betchay Vidanes, “lessons learned”. What a lesson. May nagsabi rin na isipin ko nanlang na mas maganda na nawala ako sa show habang nandyan pa kesa nawala ang show na nandun pa ako. Marami’ng marami ang nagpahatid ng kanilang good wishes. The bashers, we know they will always be there kahit hindi sila kasali. I’ve done what i know is right. Especially sa show na minahal ko.”

So be it! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s