Singer-actress Erika Mae Salas, may sariling negosyo

NAG-GRAND opening kamakailan ang bagong negosyo ng Salas Family: ang SMR Convenience Store. Matatagpuan ito sa Padilla, Antipolo City.

Dinagsa ng maraming tao ang nasabing opening dahil sa mura at masasarap na items nila. Infairness, ang nakakatuwa doon ang chocolates area na talagang sulit, and we know na ang SMR ay mas kilala sa kanilang chocolates. Pero dahil nga sa maspinalakas nila ang kumpanya, lalong lumaki ang store na very affordable ang mga items para sa masa.

Maliban pa diyan, nagulat kami dahil mismong ang alaga naming singer-actress na si Erika Mae Salas ang CEO nito. Si Erika na ang tumatayong may ari ng business na ito. Siyempre nakasubaybay pa din ang kanyang very proud parents na sina mommy at daddy Salas.

Ayon nga kay mami Beth Salas, “Actually, hinahanda namin ito para sa mga anak namin and especially si Erika na siya ang panganay. So dapat hanggang maaga, matuto na sila sa business and this is it kaya ni-ready na namin siya. Hands-on siya dito pero siyempre nandito pa din kami para tulungan siya sa bagong career niya. Siyempre, ang showbiz ay nandiyan pa din. Hindi niya ile-let go kasi first love niya and study niya siympre.

“Si Erika kasi tinuturuan namin siya na mag-business. Kahit bata pa siya dapat matuto na siya sa pagnenegosyo. Itinayo namin ang SMR Convenience Store para siya ang tumayong manager owner.”

Para kay Erika: “I’m super bless kasi may magulang ako na lagi nandiyan para sa amin. Ang tiwala nila para sa akin and never kong sisirain ito especialy ang mga pangarap nila para sa akin at sa aming magkakapatid .”

Sa ngayon, pokus mo na sila sa bagong negosyo nila. Aside from SMR, may sarili din sila Gasoline station, ang NeuPetro na pinapatakbo din ng pamilya Salas.

Samantala, kahit pandemic ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ni Erika. Hindi ito pumapalya sa kanyang online class kasabay ang pag-aartista. Ngayon ay ginagawa niya ang Mamasapano the movie under Borracho Film ni Atty. Ferdie Topicio. Gagampanan ni Erika ang isang field reporter para sa nasabing pelikula. ‘Yun na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s