John Arcenas, nakipag-duet kay Janno Gibbs sa Net25’s Happy Time

ISANG malaking blessing na maka-duet ni John Arcenas ang isang kilalang singer katulad ni Janno Gibbs.

Noong January 22, nag-guest si John Arcenas sa noon time variety show ng Net 25 na Happy Time. Unang kinanta niya ang kanyang latest single na A Single Smile, ang love song na isinulat ni Romer Timbreza and music arrange by Elmer Blancaflor. Available ang nasabing kanta sa Spotify at sa iba pang online music platform.

Pagkatapos ng kanyang performance, nakausap ng host ng show na si Janno Gibbs si John. Ikinuwento ni John kung paano nadiskubre ang talento niya sa pagkanta, kung sino ang mga music imfluence niya, at kung paano siya nakasali sa Kapamilya reality show na “I Can See Your Voice”.

Bakas sa ngiti ni John na naka-duet niya si Janno at ikinanta ang isang Basil Valdez classic na “Ngayon at Kailanman”. Kinanta rin nila ang “Fly Me To The Moon” na pinasikat nina Frank Sinatra at Count Basie.

Samantala, isa sa mga bagong endorser ng “Erase Beauty Care” si John. Ang Erase ay isa sa pinaka-popular na beauty product sa merkado ngayon. Kasama rin sa endorsement ang kapatid niya sa management at dating “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Irene Solevilla.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa upcoming concerts and TV/radio appearance ni John, visit John Arcenas Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s