Aiko Melendez, masaya sa takbo ng kanyang career at love life

MAY halong lungkot at saya ang nararamdaman ni Aiko Melendez sa pagtatapos ng teleseryeng Prima Donnas. Lungkot dahil nagtapos na ang teleserye pero masaya dahil may kasunod pa siyang projects na dapat abangan.

Naka-chat ko si Aiko last Wednesday ng tanghali, February 10, at marami akong natanong tungkol sa kanyang career at buhay pag-ibig.

Any new projects after Prima Donnas?

Aiko Melendez: I’m doing ‘I Can See You’ sa GMA pa din. Mamaya na ‘yung storycon ko. Its’ a new mini series. I’ll be working with Miguel Tanfelix directed by Dom Zapanta. And, hopefully, maumpisahan na kuya ‘yung 3 movies na naudlot. ‘Yung isa directed by Rechie del Carmen. ‘Yung isa with Claudine [Barretto] and Sunshine Cruz under Star Cinema.

Ano mga challenges sa shooting during pandemic?

AM: Medyo mahirap ang lock-in shoots now ‘coz ang tagal ko nahihiwalay sa mga anak ko and siyempre nakaka-miss to be away from them, but it brought also so much blessing to us all knowing na ‘di lahat ay nabigyan ng opportunity to be back at work. Kaya malaking pasasalamat ko sa GMA kasi di nila ako pinabayaan. And now nga may mini series agad na start. Not sure yet if I have an upcoming show sa ABS, I would love to work under them if may offer na maganda, kuya.

Ano ang masasabi mo na umabot sa higit isang taon ang Prima Donnas?

AM: Masaya kaming lahat ‘coz ‘di namin ine-expect talaga na mag-last kami ng more than a year, and kami naka-break ng record ng all time highest sa slot namin. Blessed talaga and parang inayos ni Lord lahat ‘yung timing and all after Prima Donnas. Like I’ve mentioned, [it] would be my last kontrabida role kaya ‘yung sa I Can See You may redeeming value ‘yung role ko. Mas madrama ‘to than Prima Donnas.

May chismis na natanggal daw ang pinakabatang donna’s dahil may attitude at may boyfriend daw?

AM: Hindi natanggal si Sofia Pablo dahil may attitude. It’s the rules of IATF na bawal ang minor aged 14 below kaya siya pinag-rest muna. Si Sofia ay mabait naman na bata. Sa set, lagi siya quiet lang kaya not true na may attitude siya. Close ang batang ‘yun sa akin. Lagi ako mine-message. Unfair to say na may attitude siya.

Kamusta ka trabaho si Katrina Halili and Wendell Ramos?

AM: Masaya ako sa cast ng Prima Donnas. Lahat kami nag-jive and gel nung pandemic lalo. Especially, si Katrina Halili kasi nung first 6 months ng show para kaming may wall, but this time mas-close na kami. I’m close to her daughter, Katie. We have now an open communication after namin mag-bond nung lock-in taping. I can say Si Kat ‘di mahirap maging friend. Love ko na siya now.

Wendell kasi parang lucky charm namin ang isa’t isa. Lahat ng shows na pinagsasamahan namin ay nagtatagal talaga and ‘di ako hirap kaeksena siya kasi friends kami. Even before, as in close kami. Pati wife niya. Kaya always excited ako to work with Wendell. Para kaming mga likes ni Ms, Vilma Santos at Mr. Boyet de Leon na ‘di namin need ma-link sa isa’t isa para maging effective screen partners.

Now, Andre is under the management of Viva Artist. How do you feel? Any advice for Andre’s career?

AM: I’m the happiest with Andre’s contract with Viva. Sa ‘di nakakaalam, kami ni Vice Gov. Jay ang nag-negotiate ng contract ni Andre kasi si VG Jay wanted the best of interest ni Andre. Kaya hanggang sa review ng lawyer, inaasikaso namin ni VG talaga. I always remind Andre to be humble at mahalin ang work niya.

Why Viva not ALV para same management sana kayo ni Andre?

AM: Viva si Andre not ALV kasi gusto ni Andre na to make it on his own, and ‘di ma-compare lagi sa amin ng dad. Gusto niya may sarili siyang diskarte. Andre is not a minor anymore so I respect his view on that. Guide lang kami ng tito Jay niya.

Guaranteed contract ba si Andre sa Viva or management contact lang?

AM: Yes, guaranteed contract si Andre. Start na sya ng bagong soap agad sa channel 5 with Julia Barreto and Marco Gumabao.

How’s your lovelife with Vice Gov Jay Khonghun? May plan na ba to settled or married?

AM: Masaya ako sa relationship ko with VG Jay. Wala akong mahihiling kasi sa ngayon ‘di niya ako binibigyan ng sakit ulo. Andyan lang siya lagi for me and my kids kaya wala kami pressure. Sa kasal, ‘di ako makakasagot niyan kasi nakakahiya naman ako babae tapos ako magsabi details. Hahahahah! But we do talk about it. May inaayos lang sa part niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s