Ron Angeles, no limit sa pagpapa-sexy sa BL series na “Limited Edition”

KALIWA’T kanan ang mga proyekto ng baguhang aktor na si Ron Angeles. Mula sa pagiging modelo, ngayon ay pinasok na din niya ang pag-arte.

Luckily, nagbunga ang pagtitiyaga ni Ron lalo na’t pinag-usapan ang kanyang role bilang Pambansang Courier ng bayan sa season 1 ng blockbuster BL series na ‘Ben X Jim’ kung saan ginampanan niya ang role na Olan na isang courier.

At dahil naging magandan ang kanyang exposure sa show at nag-trending si Ron, nagkasunud-sunod na ang mga magagandang project na dumadating sa kanya.

Ayon kay Ron, “Actually po hindi ko expected na magustuhan ako sa sa series na ito siyempre po may TJ Marquez at may Jerome Ponce po tayo dyan na talaga naman po kilala na ng mga tao.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat po ng tumangkilik sa akin especially po sa season 1 po ng Ben X Jim.”

Sa ngayon ay hindi pa umeere ang season 2 ng ‘Ben X Jim’, pero inanunsyo na ang pamagat ng season 2 ay ‘BXJ Forever’. Dapat niyo ito abangan.

Samantala, bibida na si Ron sa kanyang bagong BL series entitled “Limited Edition” na hatid ni Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris, at mapapanood ito sa Bragais TV.

Sa direksyon ni Jill Urdaneta. Kasama ni Ron sa “Limited Edition” ang dalawang bida na sina Andrew Gan at Jomari Angeles. Together with Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris. at iba pa. Sa panulat ito ni Joni Fontanos.

Gagampanan ni Ron ang role ni Arnold na magiging third party sa relasyon nina Jethro na gagampanan ni Andrew at Arnold na gagampanan naman ni Jomari.

Nagpapasalamat naman si Ron sa producers ng ‘Limited Edition’ na sina Jojo Bragais, Michelle Jhoie Ferraris at Jill Urdaneta.

Bukod sa Limited Edition na mapapanood ngayong Pebrero sa Bragais TV over YouTube, nakatakda rin itong mapanood ngayong taon ang BXJ Season 2 at isa pang teleserye na mapapanood entitled ‘Love from the Past’ sa Net 25. Sa direksyon ni Joel Lamangan na malapit na magsisimula mag-shoot in mid-February.

Anyway, Goodluck ‘nak Ron at galingan mo sa mga susunod mo pang proyekto, and I’m sure magiging mahusay na aktor ka someday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s