14Q Bar & Restaurant, magbubukas na sa February 8

READY na kayo mag-party?!

Sa mga taong na-miss pumunta sa bar dahil sa nangyaring pandemya, may bagong bar na magbubukas ngayong February. Ito ang 14Q Bar & Restaurant na located sa 2 Scout Lazcano corner Mother Ignacia, Quezon City.

Pagpasok mo, nahahati ito as a restaurant at bar sa kaliwa at may glass room sa kanan kung saan puwede ka sumayaw at maki-party. Maganda ito sa magbabarkadang may iba’t ibang trip. Puwedeng kainan at inuman sa umpisa at dance up-to-sawa sa huli.

Tingnan ang loob ng 14Q Bar & Restaurant:

Ang 14Q Bar & Restaurant ay pag-aari ng tatlong negosyante na sina Jann Louie Castroñero, EJ Espinosa, at Miguel Ramirez. New experience kay Jann ang magmay-ari ng isang bar at matagal niya rin itong pangarap.

yung dati nangangarap ka lng mag karoon ng sariling BAR. aba magbubukas na pala SOON.” sabi ni post ni Jann sa kanyang Facebook page.

Sa mga interesadong pumunta, magbubukas ang 14Q Bar & Restaurant bukas, February 3, for dry run. Ang grand opening naman ay sa February 8, Monday. Open ang restaurant ng umaga hanggang midnight, at open din ang bar until 10 PM.

Puwedeng mag-walk-in sa nasabing bar pero hinihikayat ang mga pupunta na sundin ang COVID-19 protocols. For reservation, please contact Jann at 09054885129 & 09286648006.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s