Marco Gomez, bibida sa pelikulang “Silab”

NAGSIMULA na ang shoot ng bagong pelikula ni Marco Gomez na “Silab”. Last Friday, January 22, nagsimula sila mag-shoot sa Pampanga.

Makakasama ni Marco si Cloe Barreto na kapareho niya ng management na 3:16 Events & Talent Management na pagmamayari ni Freny Len Carrillo.

Sasabak sa matinding suspense at romansa ang mga eksena ni Marco. Aminado na first time niya gagawin ang mga daring scene.

“Alam ko first time kong gagawin ang ganito ka-wild na pelikula. Pero dahil napakaganda ng story kaya napapayag ako na gawin lalo pa at si Direk Joel [Lamangan] ang magiging direktor ko dito. Grabe ang hubaran pero sulit naman dahil napakaganda ng movie,” kwento ni Marco.

Sa ngayon, nasa Lian, Batangas sila upang mag-shoot para sa natitirang araw para sa nasabing pelikula.

Mapangahas ang gagampanang role ni Marco dito. Dumaan ba siya sa akting workshop?

“Actually nag-workshop naman po kami before pa, pero this time medyo gahol na din sa oras and want din ni direk Joel. Parang gusto maging natural lang ang lahat kung ano ang pag-intrepretasyon namin over the story para mas gusto niya po ‘yun very natural po ang acting.” dugtong pa niya.

Maliban kina Marco at Cloe, kasama sa mga cast sina Jason Abalos, Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Karl Aquino at Quinn Carrillo.

Ito’y pamamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan, mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network.

Wala pang anunsyo kung kailan ang premiere ng Silab pero posible itong lumabas ngayong taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s