Karl Aquino, Sean De Guzman at Marco Gomez, patalbugan sa mga career!

SABAY-SABAY namamayagpag ngayon ang career nina Sean De Guzman, Marco Gomez at Karl Aquino. Sila ay nagmula sa grupong Clique V under 3:16 Events & Talent Management na pagmamayari ni Freny Len Carrillo. Kaliwa’t kanan ang mga naging projects ng Clique V and Belladonnas bago pa magpandemya, mapalocal or abroad.

Pero bago pa dumating ang pandemya, unang nakilala sa television sina Karl Aquino, Gelo Alagban at Quinn Carrillo ng mapabilang sa sikat na reality show ang Starstruck last 2019 .

Si KARL AQUINO ang unang nabigyan ng puwang sa larangan ng television nang mapabilang siya sa top 14 Starstruck Avenger. Ito ang naging daan para maging certified Kapuso actor si Karl. Sunud-sunod ang naging proyekto niya sa Kapuso Network. Naging mainstay siya sa programang “All Out Sundays” at marami pa.

Sumunod si SEAN DE GUZMAN na talaga naman very kontrobersyal ang kanyang solo movie ang “Anak ng Macho Dancer” na hango sa classic movie ni Allan Paule (Macho Dancer). Napakaingay ng pelikulang pinagbibidahan ni Sean na talaga naman pinaguuspan siya ng buong mundo. Bagamat bago pa lang sa larangan ng pag-arte si Sean, hindi naman siya nagpahuli pagdating sa pag-arte mula sa mga veteran actors like Jacklyn Jose, Allan Paule, Rosanna Roces, Emilio Garcia, Jim Pembengco at marami pang iba sa direksyon ni Joel Lamangan under God Father Productions ni Joed Serrano. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales, Mico Pasamonte, Neil Suarez at Chloe Sy.

Dahil sa husay ni Sean sa nasabing pelikula, tiyak baka masungkit niya ang award na Pinakamahusay na Aktor this year. Why not, coconut? ‘Di ba, Freny Len Carrillo?

Bibida na din sa pelikula ang kawangis ni Richard Gomez na si Marco Gomez. Very excited na ang lahat sa pagbibidhan ni Marco at napakagandang si Chloe Sy sa pelikulang “SILAB” sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kasama si Jason Abalos, Karl Aquino & more. Sa panulat ito ni Raquel Villavicencio under 3:16 Events and Talents Management na tiyak na aabangan ng lahat. Mukhang ito na ang malaking pasabog ngayong taon nang Clique V at Belladonnas na talaga naman ayaw paawat sa mga sunud-sunod nilang mga proyekto. Yun nah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s