Career ni John Arcenas, umaarangkada ngayong 2021

UNANG linggo pa lang ng 2021 ay umaarangkada na sa dami ng proyekto si John Arcenas.

Sa mga hindi nakakaalam, una nakilala sa telebisyon si John Arcenas sa TV reality game show na I Can See Your Voice kung saan isa siya sa mga SEE-nger.

Last Wednesday, January 6, nag-guest si John sa “It’s Showtime Online U”, ang online show na pinapalabas during commercial break ng A2Z variety show na It’s Showtime. Mapapanood lang ito on YouTube at sa iba’t ibang livestreaming sites.

Bago muna siya kumanta ay kinausap siya ng mga host about his career during the pandemic. Matatandaan natin na sunud-sunod ang kanyang projects last year.

Busy siya ngayon sa kanyang unang movie na “Crazy in Love with You.” Kahit bago pa lang sa mundo ng acting ay supporting agad ang kanyang role. Makakasama sa nasabing pelikula sina Claire Ruiz at Miko Raval na parehong Kapamilya actors.

Mapapanood din siya sa pelikulang Mamasapano. Base ito sa totoong buhay ng SAF44.

Ikinuwento rin ni John kung paano nadiskubre ang kanyang talento sa pagkanta. Ayon sa kanya, napansin ng kanyang magulang na sumasabay siya sa pagkanta habang nanonood sila ng concert ni Ice Seguerra noong two years old pa lang siya.

Inamin din niya na idolo niya ang Pure Energy na si Gary Vallenciano.

After ng maikling interview, kinanta niya ang kanyang latest single na “A Single Smile”. Ni-release ang nasabing kanta at available na ngayon sa Spotify, iTunes, at iba pang online music platform.

Marami ang napabilib sa soothing voice ni John habang kinakanta niya ang kanyang love song.

Samantala, may bagong pelikula si John na inaasikaso ngayon. Ang title ng pelikula na iyun ay “Paddle”. Related ang nasabing pelikula sa hazing na mala-Batch ’81.

Nag-guest din si John sa noontime show na “Happy Time” ng EBC-Net25 last week. Ang host ng nasabing show ay sina Janno Gibbs, Anjo Yllana & KitKat .

‘Yun na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s