“‘Asan na ang pondo ng Film Academy of the Philippines?” – Vivian Velez

INILABAS na ang sama ng loob ni Vivian Velez sa mga taong hindi nagbigay sa kanya ng budget para sa Luna Awards.

Isiniwalat ito ni Vivian during the online presscon ng Luna Awards. Kasalukuyang director general si Vivian ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Ayon kay Vivian, ang pondo ay galing sa amusement tax na kinita sa Metro Manila Film Festival. Ang 10% mula sa amusement tax ay hinahati pa sa iba’t ibang agencies katulad ng MOWELFUND, Optical Media Board, FDCP, FAP, at iba pa.

20% from the 10% ang ibinibigay na pondo for FAP. Pero laking gulat ni Vivian na hindi pa niya nakukuha ang worth 88 million na budget since umupo siya sa puwesto last year. Kahit na ang dating director general ng FAP na si Leo Martinez ay walang kaalam alam kung ano na ang nangyari sa budget.

Nilinaw din ni Vivian na nagsampa ng kaso si Leo noon laban sa MMDA. Hawak daw ng MMDA ang budget.

Lumapit si Vivian sa in-charge sa Metro Manila Film Festival at sinabi nila na nabigay na nila ang nasabing pondo pero wala pang binibigay na patunay.

Samantala, lumapit din siya sa mga kakilala niyang politiko para makahingi ng pondo para matuloy ang Luna Awards pero, as of now, walang kahit isa ang nagbigay. Gusto kasi ituloy ni Vivian ang Luna to boost ang moral ng mga artist sa film industry.

Lalo pa siya na-motivate na ituloy ito dahil sa isang tao na nagsasabi na movie industry lang sila at wala raw itong halaga.

“‘Look.’ sabi ko ganoon ‘Noong nag-lockdown tayo lahat at ikinulong tayo lahat sa bahay natin, ano ang ginawa ng mga tao? ‘Di ba? Nanood ng pelikula. Nanood ng telebisyon. It was the entertainment industry that saves us'” siwalat ni Vivian. Hindi pinangalan kung sino pero sa tingin ko ay hindi parte ng entertainment industry ang sinasabihan ni Vivian.

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang Luna Awards.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s