Panoorin si John Arcenas sa “Concert for a Cause” ngayong Biyernes, October 30

HUMANDA nang kiligin ngayon Biyernes dahil magpe-perform ang singer-actor na si John Arcenas sa online concert na “Concert for a Cause”.

Ang Concert for a Cause ay inorganisa ng University of the East Senior High School Student Council (UE SHS Student Council) para sa Founding Annivery. Ang malilikom na donation ay para sa mga frontliners na sumisikap gampanan ang kanilang tungkulin sa gitna ng pandemya.

Panoorin si John Arcenas ngayong Biyernes, October 30, 2PM sa UE SHS Student Council official Facebook page.

Sa mga hindi nakakaalam, una nakilala sa telebisyon si John Arcenas sa TV reality game show na I Can See Your Voice kung saan isa siya sa mga SEE-nger. Pagkatapos nito, sunud-sunod na ang kanyang mga projects.

Pinasok din niya ang mundo ng acting. Unang movie pa lang ay supporting na ang kanyang role sa upcoming romantic-comedy na “Crazy in Love with You.” Makakasama sa nasabing pelikula sina Claire Ruiz at Miko Raval na parehong Kapamilya actors.

Mapapanood din siya sa pelikulang Mamasapano. Base ito sa totoong buhay ng SAF44.

This year, ni-release ang kanyang latest single na “A Single Smile” at available na ngayon sa Spotify, iTunes, at iba pang online music platform.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s