Madam Baby Go, ni-launch ang kanyang tatlong dyaryo!

LAST Saturday, September 19, ni-launch ang bagong newspaper na pagmamay-ari ng film producer na si madam Baby Go: BG Dyaryo, BG Expose, at BG Public Eye News. Ginanap ito siyempre sa bonggang hotel na Marco Polo. 

Sa panahon ng pandemic, some of publications are closing, but not Madam Baby Go kasi naniniwala siya na magtatagumpay ang itatayo niyang dyaryo. Ganoon na din para makatulong sa maraming entertainment writers ang nawalan ng trabaho na tanging ito na lang ang kinabubuhay ng marami sa atin.

Ito ay isang pagtulong ng film producer at ngayo’y publisher na si madam Baby Go. Sa paggawa niya ng mga pelikula, kahit pandemya, maraming trabahador ang nabibigyan niya ng trabaho.

And as it is, tuluy-tuloy siyang gagawa ng pelikula, may pandemya o wala. Mga makabuluhang films na pinararangalan hindi lang sa ating bansa kung ‘di maging sa abroad.

Salamat sa malasakit mo para sa mga industriya ng pelikula at sa entertainment press.

Kasabay ng nasabing presscon, inilunsad din ni Madam Baby Go ang BG Elite Club na siya mismo ang chairman and founder. Si Joey Sarmiento ang tumatayong presidente, Vice President for Finance Paule Marasigan, Vice President Maridol Bismark, Secretary Anne Venancio-Bendanillo, PRO Ana Manansala, Creative Director Miller Achurra, Ad & Sales Head Jacinto Aluad, at Treasurer Jerome Go.

Ang nasabing adhikain ng club ay tumulong sa mga kasamahan natin sa industrya. Malinaw ang adhikain ni Madam Baby, ang makapagbigay ng assistance sa mga taga-industriya lalo na sa panahong ito na ang lahat ay dumaraan sa malaking hamon ng pandemya.

Ayon pa kay Madam Baby GO, ito ang panahon ng pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat isa. Hindi daw balakid ang pandemyang ito para hindi siya tumulong para sa industriyang kanyang minahal, at sa mga nangangailangan. Katunayan ng mga sandaling ‘yun, namahagi na siya ng saku-sakong bigas para sa lahat ng dumalo.

Maraming salamat madam Baby Go. Ikaw na ang maka-bagong mother Lily na mahilig tumulong sa industriyang ito. Nawa’y pagpalain ka pa ng Maykapal, at mas maging successful pa ang lahat ng mga proyekto mo. Nandito lang kami para sumuporta sayo madam. Mabuhay ka!   

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s