Dindo Fernandez, ni-release ang kanyang first single na “Akala Ko”

118445259_306067353792136_7183743231780655480_n

ANG successful businessman na si Dindo Fernandez ay sasabak na rin sa larangan ng musika. Last July 16, 2020 ni-released ang kanyang first single entitled “Akala Ko”. Siyempre ang nag-compose nito ay walang iba kundi ang isa sa mga mahusay at batikang composer na si Joel Mendoza na nakipag collaborate naman sa lyrics ang baguhan na singer na si Dindo.

Inaregalo sa tunog ni Elmer Blancaflor at siya din ang vocal supervision; live guitars ni RD De Guzman; backup vocals ni Garry Cruz; record, mixed mastered naman ni Dante Tanedo at the Purple Room; at siyempre ang nag-produce ng nasabing single ay sina Joel Mendoza at Dindo Fernandez na swak na swak talaga sa panlasa ng mga millennial ang nasabing awitin.

Ang nasabing awitin ang Akala Ko ay base sa istorya sa buhay pag-ibig ni Dindo: “Ang kanta po ito ay nangyari sa buhay pag-ibig ko na akala ko nga ay kami til the end kaso hayun nga hindi din naging kami sa ending. Nag -hopia ako kumbaga!” sabay tawa.

Pahayag pa niya, ” Pero sobrang minahal ko siya talaga kasi naging very closed kaming lahat even her family to us kulang na nga lang is kasal na pero masaya ako na ma -share ko ang ganitong klaseng experience thru my music para sa lahat kasi pwede itong kapulutan ng aral ang aking buhay pagibig , kabiguan at tagumpay. “A storytelling, a journey through ones’s heart that giving up was not an option but an oppurtunity to find love again .”

Ilan sa mga ini-idolo ni Dindo ay sina Gary V, Martin Nievera at Regine Velasquez. Gusto naman niya maka-collaborate in singing ang Asia’s phoenix na si Morissette Amon.

Last Sunday august 23 na featured siya sa online ng Project’ s Ligaya kung saan nagpakita siya ng gilas sa pag-perform kinanta niya ang I will be here ni Gary V at ang kanta In another lifetime.

Samantala ang pagpe -perform ay hindi na bago para kay dindo nung december 2019 ay nagkaroon siya ng kanyang solo concert na may pamagat na “Dindo Fernandez, A Celebartion of Life & Music” na ginanap sa Tia Belle’s Restaurant, Batangas City na kilala sa kanilang specialty nilang Pichi-pichi at Pansit malabon na napakasarap na mayroon din sa Tagaytay branch ng Tia Belle’s.

Ang “Akala Ko” ay naka-release na in all digital platforms likes Spotify, iTunes, at mapapanood din ito sa YouTube.

For more updates for Dindo Fernandez, you can follow him thru Facebook, Tiktok, IG at sa kanyang YT Channel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s