Edu Manzano, JC de Vera at Aljur Abrenica bibida sa Mamasapano movie

BY: Benny Andaya

PUMIRMA na ng kontrata sina Aljur Abrenica at JC de Vera sa movie outfit na Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

Gaganap ang dalawa bilang sina Train at Franco sa pelikulang MAMASAPANO na tribute movie para sa Fallen SAF 44 limang taon na ang nakararaan.

Kasama rin sa pelikula sina Edu Manzano, Allan Paule, Tonton Gutierrez, Claudine Barretto, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Jojo Alejar, Kate Brios, Baby F. Go, Erika Mae Salas, Jake Ejercito, Jerico Estregan at Vin Abrenica.

Nang tanungin sina Aljur at JC kung paano nila pinaghahandaan ang kanilang role?

received_392291821736591

Ani JC, “Kami naman ni Aljur, physically, ‘di naman kami pabaya sa aming sarili, so kahit wala itong Mamasapano, tuluy-tuloy ang workout, exercise, then nag-research ako about Train, siya kasi yung nakaligtas. Professor siya so Intel siya, more on siya ang nagte-training. He’s intelligent, alam niya yung ways kaya dapat physically fit”.

“Ako naman, like sinabi ni JC, regular workout din, maintain ko yung pagiging physically fit, after ko lang ng action serye so medyo sanay pa sa action kaya tinanggap ko agad yung role na Franco. Ni-research ko yung rango, willing ako to undergo training ng SAF, looking forward ako na magampanan ko talaga yung character”.

Hangad nina JC at Aljur na masagot ang curiosity ng mga viewers kaya nila tinanggap ang project. “Marami kasi ang ‘di nakaaalam ng truth behind Mamasapano incident. We want to be part of that history na ma-realize ng karamihan on how SAF 44 sacrifices their life para sa Pilipinas”, giit ni JC.
Natawa nalang si JC nang matanong ito kung’ di siya artista, posibleng lover boy ang kanyang peg samantalang si Aljur ay posibleng sundalo dahil mula sa military ang kanyang pamilya.

received_308883030263684

Regarding naman sa pananahimik ni Aljur tungkol sa franchise ng ABS-CBN, aniya, “Hindi naman sa hindi ako vocal gaya ng ibang Kapamilya artist, actually, pro-franchise po ako. Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sakin.

Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako, pero it’s beyond me. Mas malalim pa kaysa ipaglalaban ko sa franchise.”

Wala pang balak ang aktor na muling kumatok sa GMA-7 matapos siyang magpa-release nung 2014 sa tulong ni Atty. Topacio.

“Right now, ang focus ko talaga is my family, sina Axl Romeo, Alas Joaquin, my wife Kylie, yung security nila and future. Pero kung kakailanganin ng network and magkasundo ang management, then yung audience are asking na, why not ‘di ba?

Si JC naman ay matindi ang pagpapaalam sa kanyang partner na si Rikka Cruz at naiintindihan naman daw na kailangan na talagang magtrabaho dahil sa monthly amortization, kuryente, tubig etc.

Samantala, tiniyak ni Atty. Topacio na secured ang mga artista, staff and crew sa syuting sa Agosto sa Cavite at Batangas dahil insured lahat ng tao at susunod sa protocols ng FDCP mula sa social distancing, paggamit ng alcohol, face mask, fogging machine, sanitizers, PPEs, gloves.

Plano itong isali sa MMFF 2020 festival or Summer at hangad ng producer na mabigyan ng hustisya ang SAF 44. Full support dito ang SAF mula sa uniform and equipments na aprubado ni Police Major General Director PNP SAF Amando Clifton B. Empiso sa pakikipagtulungan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s