Fleeting Moments… Unforgotten!

pilar mateo sni THE “P” TALKS!
BY: Pilar Mateo

HIS BELOVED Father passed away.

Has it sunk in DA Arnell Ignacio’s heart and mind? His latest post was about dealing with it. For now.

“Daddy left last Sunday.

“Yung ‘left’ madali intindihin e and in fact I was prepared for that. Well, I thought I was until I realized that what i prepared for was the that he will leave anytime… but I forgot to prepare for its tandem.in reality that he isn’t coming back. That s the pain that implodes endlessly each time i get to face that part of the new reality.

115662439_772343096913051_5326063205963478323_n

“He isn’t coming back.

“He won’t be answering his phone anymore,he won’t be opening the gate with smiling kahit biglaan ako dumating sa kanila nang alanganing oras.

“Walang mag aalala kapag may inaaway ako sa FB, walang na akong ibibili ng hamon, wala magsasabi na ano na naman itong kotse mo malakas sa gas yan, wala nang tatawag para itanong kung talaga bang nanalo siya sa raffle na natanggap niya lang sa text

“Wala na ring makukulit yung mga payat na nagbebenta ng microwave na ke mahala mahal na ikot nang ikot sa Robinsons

“He isn’t coming back

“He isnt.

109079884_1172596349787943_6589188578842029431_n

“Strangely the tendency to look for him sets in.

“A flickering moment welcoming the illogical and even the ceremony in the columbarium seems unconvincing.

“Almost like it failed to prove reality beyond reasonable doubt

“Haven’t cried yet

“Kung taping lang ito madali lang eh

“Dali lang magbuo ng katotohanang hindi totoo

“Don t worry dad i can and i will handle this

“Tuloy ko lang mga bilin mo

“You ll be proud of me

“Kuwento mo sa langit

“Love you daddy”

A Dad’s love, just like Mom’s is incomparable.

Unconditional love. ‘Til kingdom come!

$$$$$$$$$$$

115682215_688775501853877_7667393160314765265_n

I met them and worked with them, in the project of Shandii Bacolod’s #TeamMSB’s “Culion”, in Palawan July of last year.

The husband and wife tandem of Qhris Lang and Mimi Mao.

I remember, they celebrated their anniversary there. Very sweet to each other. In spite of the busy-ness each had to do, special occasions such an anniversary had to be celebrated. In the ways only they can.

Lovable na agad-agad to the staff especially to us, members of the media invited to cover the shoot, because of how they made us feel so cared for.

And now, their 14th. Qhris has this moment to share with his beloved Mimi! And the whole world!

Don’t cry. It just is too sweet! A love like no other.

“Nurse ako sa isang pampublikong hospital ng magkakilala tayo. Madaming trabaho, maliit ang sweldo. Sapat para mabuhay mag isa, pero madalas sumasabit pag hindi nabalanse ang pag gastos ng pera.

“Yun yung mga panahon na, pati pang lunch nakalista pa sa canteen. Wala na ngang ipon, meron pang mga utang. Pambihira….

“Tapos nakilala kita, at hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung paano ko nagawa na pansinin mo ako…

“Napapayag kitang lumabas, at dahil ayokong mapahiya sinabay ko sa sahod. Nanuod tayo ng sine, M. Night Shamaylan na hanggang ngayon hindi ko pa din naiintindihan yung pelikula…

“Pagkatapos nun halos araw araw na kitang pinupuntahan…

“Hanggang sa isang araw, nakatulog ako sa bus pauwi ng Bulacan pagkatapos kong dumalaw sa’yo. Lumagpas ako ng halos dalawang baranggay, at dahil sakto na lang ang pera ko para sa pamasahe sa bus eh naglakad na lang ako pauwi sa bahay namin.

“Kaya nung sumunod na dinalaw kita, at kahit hindi ko alam saan ko nakuha yung kapal ng mukha. Humiram ako sa’yo ng pera. Humiram ako ng extra 20 pesos. Baka makatulog na naman kasi ako sa bus, maglakad na naman ako…

115823008_973771336393395_4821788429827606175_n

“14 years na lumipas simula noon, nasa akin pa din yung bente pesos na hindi mo na tinanggap nung binabalik ko sa’yo…

“Alam ko sa labing apat na taon natin ay hindi lang bente ang utang ko sa’yo. Maraming pangako na din na hindi natupad, mga utos na sinuway. Mga pagkakataong kung pwede ko lang ulitin ay babawiin ko. May mga salitang minsan ay hindi ko nasasabi, at mga tungkuling hindi ko nagagampanan. Kung isasama pa d’yan yung ibang kasalanan, ewan ko na lang kung hanggang saan ang bilang…

“Pero sa araw na ‘to, ay muling uutang ako sa’yo. Huwag kang mag alala, hindi pera o materyal na bagay.

“Uutang lang ako sa’yo ng kaunting pagkakataon, para itama lahat ng mali ko’t mga pagkukulang.

“Pautang ng kaunti pang oras, para matupad ko lahat ng pinangako ko sa’yo.

“Hindi man ako makabayad sa’yo ng buo, araw araw kong ilalaan ang bawat araw ng buhay ko para mahalin at paligayahin ka.

“Happy Anniversary Mama Bess…

“Mahal na mahal kita…”

Unconditional love. Tried and tested with the passing of time.

‘Di ba? Don’t say, I didn’t warn you…

There are more and more stories to tell and share. From the recesses of each one’s hearts and minds. (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s