Dearest than Most. Remembering a Friend…

pilar mateo sni THE “P” TALKS!
BY: Pilar Mateo

GLADYS GUEVARRA was devastated. When whim she considers her best and real friend Kim Idol was rushed to the hospital and was placed on ICU.

She shared the unforgettable moments they had. How he made such an impact in Gladys’ life.

“Matagal na tayo magkakilala, hindi kasing talik ng mga matatalik mong kaibigan, pero para sa akin, naging part ka ng buhay ko.

“Remember nagkasama rin tayo sa bahay? Narinig ko at nabasa ang mga balita kaninang umaga pag gising ko. Kakabigla, nakakapag alala.

“Pero ikaw na mismo nag kuwento sa akin na 1 out of 10 lang ang case na yan. And Miracle kamo ang nangyari sayo lalo nung unang napaglagpasan mo yan.

“Share ko lang, sa tagal kitang kilala, hindi ko alam na INC ka. Nung mga panahong, gusto kong makapakinig ng pamamahayag, sakto ang kuwento ni kim ganito . . .

“Nasa Zirkoh ako ng gabing yun at saktong after ng show ko, nagtanong ako san kaya pwede sumamba the next day? Binanggit ng mga kausap ko na “si Kim Idol INC yun. Pero alam namin matagal ata syang d nakasamba na” so nag try ako tumawag sayo.

“Bago ako tumawag, sabi mo eto ang mga eksaktong salita mo . . . Nananalangin daw sya . . . “Ama, alam kong matagal nakong hindi nakakasamba at nakakapunta sa bahay sambahan. Pag bumalik po ba ako, tatanggapin mo po ba ko sa yong tahanan?” At saktong patawag daw ako.

“Bilang, ang gusto ko dati eh makasamba sa mismong Central. Yung sa Commonwealth, kase yun ang sentro, yun ang pinaka malaki at unang sambahan.

“Kaya sabi mo, kilabot na kilabot ka sa eksaktong pangyayaring yun, na sinagot ng Ama ang tanong mo at sa Mismong malaking bahay pa nya ikaw wine-welcome.

“At nangyari na lahat, pati ang pakikinig natin ng pamamahayag sa Philippine Arena na ang nangasiwa ay mismong si Ka Eduardo Manalo. Ang saya saya mo nun, pasalamat ka ng pasalamat.

“At sabi mo tuwang tuwa ka sa akin. Na lagi ang panalangin mo para sa akin na wag ako matisod. So patuloy ang aking doktrina.

“Regular tayong sumasamba. Dumating ang mga araw na may byahe ka, at lagi mo pa ko upadate sa messenger na kahit nasa ibang bansa ka o ibang lugar, sinisiguro mo sa akin na sumasamba ka. Dahil lagi kita nire-remind.

“Ikinukuwento ko lang ito, para pag gising mo mabasa mo. Kase nung nag lockdown, nag usap usap pa tayo nila Briane Alejandria ng seryoso tungkol sa buhay buhay at nagtawanan sa huli.

107802722_2340421152931358_450684426257748966_n

“Hinihintay ka naming lahat ha? Sige lang, tulog ka muna at baka pagod lang yan at kailangan mo mag rest. Pag gising mo, back to work na ulit.

‘Dahil sabi mo, laban tayo lahat sa pandemiyang ito. Diba? Sleep ka muna dyan, pag gising mo, magtatawanan tayo ulit sa video call. Madami ka pa kuwento sa amin. Yung mga lugar pati na kung saan ka na-deploy di mo pa na kuwento. Kaya hintay ko yun. Kiss kita, para maalala mo yung guwardiyang tinutukso ka sa akin. 😂

Ang dalangin para sa kaibigan na nawa’y bumuti na ang kalagayan.

#prayersforKimIdol🙏🏻 #fightKimIdol

And the inevitable happened. Her friend left. He was gone. And Gladys kept sharing more of their happy moments. As if Kim just went on a vacation.

“Bukod tangi ka . . . 😘😂

“Sa tuwing sasabihin kong ayoko na gawin ang pagso-show at pagpapatawa. Lagi mo sinasabi “hindi mo naman mapipigilan yan, dahil ikaw yan at natural mo yan. Wag na wag mong iisiping hindi ka na nakakatawa, dahil ako ang unang unang magsasabi sayo nun!” Lagi mo pinamumukha sa akin na ang entablado ay para sa akin, everytime sinasabi ko sayong gusto umalis, o mawala o magpakalayo layo dahil nakakapagod din. Sinasabi mo “tignan mo, sa tuwing pinipilit mo umalis, lumayo, binabalik at binabalik ka sa pagpe-perform at sa industriyang ito. Kase Gladys, yang talento mo at ikaw mismo eh para ka dito.

“. . . konti lang iniyak ko promise. Kase tuwing iiyak ako at magmo-moment din sayo, hindi tumatagal dahil nagpapatawa ka kagad eh. Ikaw ang Idol, Kim Idol ❤️ Mahal kita. 😘

“Ganito kami nagmahalan magkaibigan. 😢

“Binalikan ko lahat ng conversation namin. Lalo nung pursigido ako sa pagsamba. Kahit nasa byahe sya, sinisiguro nya sa akin na nakakasamba sya. Lagi kami lumalabas, kumakain, usap, kuwentuhan, tawanan. Buhay buhay. At grabeng ngiti lagi nakikita ko pag nakita ko sya at sumigaw nako ng “Kimmy!!!!!!!” .

“. . . Hindi ko iisiping wala ka na. Iisipin ko lang, busy ka at medyo malayo nga ko sa Metro Manila ngayon. I love you Michael ❤️😘 Hindi kita makakalimutan. Pati mga araw na magkasama pa tayo sa bahay non na walang wala ako. 😢 Yakapin mo ko sa pagtulog ko ha? Sa panaginip, kuwento ka ulit sa akin, yung mga nakakatawang kuwento mo. 😘 Miss na kita actually.

“Bye for now…”

Remembering a friend. Dearest than most! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s