From Mayor Goma’s Desk!

pilar mateo sni THE “P” TALKS!
BY: Pilar Mateo

“I was watching the interview of Sec. Panelo and reading the interview of Sec. Año in Rappler about the confusion that happened in Leyte and Ormoc.

“Una, Wala pong problema sa pag tanggap sa mga repatriates, locally stranded individuals and OFW’s. Tama po kayo na handa kaming tumanggap ng returnees at Inaasikaso namin sila sa abot ng aming makakaya.

“At sa gitna ng aming pag tanggap sa mga returneees iniingatan namin na hindi rin dapat malagay sa piligro yung 250,000+ na residents ng Ormoc City.

“To be clear: Returnees have a constitutional right to come home but health protocols are in place because public health must be upheld and safeguarded even and especially as we do that.

“Meaning, there are ways to satisfy both if everyone is in sync and protocols are set in place and observed.

“Sabi ni Sec. Panelo na natataranta daw ako. Hindi po ako natataranta tulad Po ng sinasabi ninyo. Sumusunod lang po kami sa naunang utos ng DILG mismo sa briefing na ginawa nila sa LGU last Thursday, May 21, na 3 days prior to arrival of repatriates ay dapat may coordination from their LGU of origin and notice from the national agencies para ang ito ay mapaghandaan ng maayos.

“Ang nangyari, a few hours later I received a text na ang mga galing sa Manila ay nasa Palo, Leyte na at hinahanap ang magsusundo sa mga mag Balik Probinsya.

“May 25, 830am, holiday.

“I received a text message from OWWA saying that 3 planes with OFW’s from Manila will arrive on the same day. Hindi rin nila masabi ilan dun yung papuntang Ormoc.

“Hindi po kasi alam ng lahat na kaya kami humihingi ng coordination dahil ang Palo, Leyte and Tacloban airport, kung saan nagdatingan yung mga repatriates, locally stranded individuals at OFW’s ay napakalayo sa Ormoc City. Mahigit sa dalawang oras at kalahati ang byahe.

“At lalong hindi rin naman Alam ng mga ofw na di nasabihan at di naka pag coordinate ang national agencies sa LGU sa pag dating nila kaya hindi sila naasikaso sa airport o bus station. Nagmumura at nagrereklamo sa social media na di daw pinahalagahan ang mga karapatan nila, pinabayaan daw sila ang kung anu ano pang masasakit na pananalita ang naka post against sa akin at sa Ormoc City Government.

“Kailangan namin malaman Sana in advance para tama yung laki ng sasakyan na magsusundo, may mga medical team na nakahanda etc. Hindi kasi yung ofws lang ang naguuwian, may balik probinsya program din, at may mga biglang nasa border na na gusto rin pumasok — ibig sabihin kung 300 yung capacity ng quarantine area hindi po ibig sabihin all 300 are reserved for ofws alone. May mga ibang na process na at nauna na dun na rin pupwesto for isolation in that designated quarantine area. The point being, we are honest enough to disclose ilan lang yung capacity namin and we will not pretend to be heroes by accommodating more than that at any given time. Because the system cannot collapse. It will be disastrous.

“May 26, Tuesday 1130 pm.

“I received a call from Sec. Año and he admitted to me that there truly was some miscommunication. And I said “it’s ok, Sec. let’s work on what we have now and let’s make sure this program will be successful. Magtulungan po tayo.”

“He explained that the President wanted to waste no time and kaagad pinauwi ang mga OFW’s. In short, ang naging problema is di na na cascade sa LGUs na wala na yung 3 days protocols for coordination at dapat pag dating sa province ng mga tao, dapat tanggapin na agad.

100789342_712019742905849_431793334512517120_n

“So sabi ko Sige let’s work on it na and do our best to make this program successful. Susunod kami sa utos ng Pangulo because we are the soldiers on the ground.

“Wag niyo po masamain pag humihingi kami ng coordination sa inyo. Hindi po kami kalaban. On both occasions ng pagdating on mga repatriates I called our DILG8 regional director to ask kung anong nangyari at bakit walang nakaka alam na merong parating. On both occasions he said he has no idea as well. We ask for coordination not to give anyone a hard time but to make the process smooth for everyone.

“I want the Balik Probinsya program, the LSI program and the OFW program to succeed and we in the LGU are partners of the national government.

“If this fails we fail, too.

“Hindi Po kami nagmamarunong at hindi po ito contest ng pagalingan. Trabaho Lang Po. Kung nananatili kaming covid negative it is not for personal glory, because at the core of every effort we put out there is the commitment to protect and save lives of our people.

“Yun lang ho yung goal.

“And it is a daily and consistent commitment from different sectors and the cooperation of everyone in the community to keep it that way.

“May mga umuuwi rin na hindi dumaan sa testing at quarantine. We cannot assume at this point in time that they are negative, we have to be very sure kung ano na ang mga procedures na nagawa na ng mga uuwi at babalik sa probinsya.

“Case in point Meron na ngayon 2 na positive sa Covid 19 sa Leyte — ang isa sa Baybay City and isa sa Tanauan town. Dumating sila na walang testing at ngayon nandito na sa Probinsya. As per established protocols, we are all doing contact tracing.

“Pagdating nila sa Leyte may mga nagmumura at nagrereklamo kung Bakit sila kailangan mailagay sa quarantine. Hindi ko rin nilalahat Pero may mga OFW na nagsasabing galing sila sa hotel at their point of embarkation and dapat parang hotel din accommodations nila pagbalik ni sa probinsya.

“PaaLala at pakiusap Po, hindi ito bakasyon. Nasa gitna tayo ng pandemic, May digmaan laban sa covid-19.

“Wala po sa capacity ng LGU na 5-star ang quarantine accommodations.

“Pasensya na, Pero magmura man kayo O magreklamo kailangan niyo talaga ma isolate or ma quarantine. Hinanda naman namin ng maayos yung quarantine area. And I cannot/will not in conscience endanger the lives of so many just for a few who feel inconvenienced. We must do what we can to keep each other safe. Buhay pinaguusapan dito. Mag tulungan Po tayo. Konting tiis Lang po, this is our fight. We are all in this together. God bless us all.”

Loud and clear?

$$$$$$$$$$$$

MEANWHILE, on the other side of the Good Mayor’s life, his wife Representative Lucy Torres-Gomez breathes peace and serenity when they are together.

#Repost @lucytgomez

“Richard prepared a beautiful garden salad for lunch. My only contribution was to pick the blue ternate flowers from the vines that grow in our garden (also known as Butterfly Pea or Blue Pea — and steeped like tea it can be quite lovely as a drink, too, served warm or cold). Juliana made the basic salad dressing of olive oil/balsamic vinegar/salt/pepper, adding raw honey from our little bee farm and the juice of fresh lemons (grown by a local farmer) to the mix.♥️

LIFE is beautiful! (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s