THE “P” TALKS!
BY: Pilar Mateo
IN THE TIME OF COVID-19, positivity as in being creative is what most people are doing now.
I have read so many posts which were products of the creative juices that went through one’s mind at or in whatever situation one is.
Actor Janus del Prado, shared his piece.
His poem is entitled “Patawad Pilipinas”.
My brother takes after my Dad, na isang taal na Tagalog from Bulacan. Sa kanya kami nagmana.
Hibik.
$$$$$$$$$$$$$$$$$
ANOTHE POWERFUL piece came from trueblue writer Lualhati Bautista.
She shared, “Daanin na lang natin sa tula. Isang bahagi lang, ha? Mahaba kasi.
“Bakit gano’n?
Tayo nga ba ang pinoprotektahan
O tayo mismo ang kalaban?
Bakit ang paglabas lang ng bahay
Ay tila katumbas na
ng subersiyon o pagpatay?
“Walang habag ang parusa sa paglabag
Ikinukulong sa kulungan ng aso
Isinisiksik sa gulong ng sasakyan
Saka pinagugulung-gulong ang gulong
“Sasabihin ko pa ba ang iba?
Baka naman kako nagpapraktis lang sila
ng masarap gawin sa biktima
Pag sa huli ay ibinaba ang martial law
Na sa tingin ng marami ay matagal nang kasado
“Isang matanda ang namatay sa pila ng
ayuda
Itinaya ang buhay para sa konting bigas at
ilang de lata
“May binaril na nga ang mga pulis
Bumulagta sa bangketa
Naligo sa sariling dugo
Hinigit ang huling hininga
“A, may peligro ngang malipol ang tao
Ngunit hindi lahat ay dahil sa bagsik
ng covid.”
–april 23, 2020
Lualhati Bautista all rights reserved
Tanong.
$$$$$$$$$$$$$
AND ANOTHER one was shared by writer Frank Rivera.
JOEL SARACHO, ATBP.
VASTA YA!
“Di totoong pari si Joel Saracho
Sayang at ‘fake news’ lang naritong litrato
“At kung nagkataong ito ay totoo
Tiyak na ang laban ngayo’y mano-mano
Kung si JOEL naging miyembro nga ng Clergy
“Meron nang tatapat kay Poong DU30
Ang sampung daliri lalo pang darami
Hindi basta ‘fuck you’ ganting masasabi
“Kailangan ngayon ng ating simbahan
Ang mga alagad na tunay ang tapang
Kapagka Diyos na ang tinapak-tapakan
Balat hahalo na sa pinagtalupan
“At dapat maganap ngayon ngang Eleksyon
Titing walang bayag tuluyang makapon…”
SONETO ni Frank G. Rivera.
Pahayag.
$$$$$$$$$$$$$
PIECES OF MINDS shared. On how and what they feel. Mad. Hopeful.
Praying. And wishing. That sooner than soonest, this unseen enemy rests and be gone forever.