MULI mapapanood sa sinehan ang pelikulang “Tell Me Your Dreams“. Kasama ang nasabing pelikula sa taunang Subic Bay International Film Festival na gaganapin sa Harbor Point Mall sa Olongapo mula June 21 hanggang June 23. Ang Tell Me Your Dreams ay mapapanood sa Friday, 11:50 AM sa Cinema 4.
Tampok ang award-winning actress na si Aiko Melendez na gaganap bilang isang teacher sa liblib na lugar. Ayon kay Aiko, ito ang isa sa mga pinakamahirap na role na ginampanan niya. Anya: “[Nag-stay kami sa Tarlac for six days.] Ano kami, nag-immerge kami doon… Sobra. Hindi lang ilang ilog ang tinawid namin. Lakad kami. Ilang bundok na walang kuryente. Natutulog ako sa regular na kama… May parts na walang signal. May parts pa na bababa ka pa sa ilog just to get a clear signal.” Sabi ni Aiko.
Nagpapasalamat naman si Direk Anthony Hernandez dahil kasama sa line-up ang kanyang pelikula.
“Sobrang thankful na mapasama ang aking film. Thank you sa bumubuo ng Subic Bay International Film Festival na sinama ninyo ang aking pelikula kasama ang ilan sa mga dekalibreng pelikulang Pilipino. Maraming maraming salamat” Sabi ni Direk Anthony.
Ang pelikula ay hango sa totoong buhay ng isang guro na dedicated sa kanyang tungkulin bilang isang guro, at gagawin ang lahat para maturuan ng maayos ang mga Aeta sa Tarlac.
Kasama rin dito sina Perla Bautista, Aaron Lim, Tony Manalo, at at ang special guest na pagganap ng actor na Raymond Cabral. Introducing Rose Galang na isa ring Aeta at supporting actress sa pelikula.