NAG-CELEBRATE ng 7th anniversary bilang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasalukuyan sila nagbabakasyon sa Morocco. Nagsimula ang biyahe last Thursday, Mayo 23.
Sa Instagram ni Kathryn, pinost ang isa sa mga letrato nila ni Daniel sa Morocco habang nagho-holding-hands. “New day, new adventure with this one!” Sabi sa caption.
Unang pinuntahan ang Chefchaouen kung saan karamihan sa mga lumang buildings ay may kulay na puti at asul. Sunod pinuntahan ang UNESCO World Heritage site na Volubilis na kilalang Roman ruins sa Morocco.
Ngayong Linggo, May 25, nag-iwan ng isang love letter si Kathryn sa kanyang Instagram account para kay Daniel. Sa liham, sinagot niya ang unang tanong na “How do you stay in love?”
Ang sagot ni Kathryn: “And truth be told I don’t know the answer to that either. Because for us, we just wing it—it’s not forced, it’s not planned, it’s not strategic. There’s no formula. But these I do know: Staying in love is a decision you make every day. You have to appreciate what you have every single day. You have to grow together—and sometimes, that means growing individually, but never growing apart. And no matter how hard life may be, you never give up on each other.”
Matatandaan natin na naging magkasintahan sina Daniel at Kathryn noong May 25, 2012. Last year, inamin na nila na matagal na silang magkasintahan.