EVICTED na sina Emjay Savilla, Kyzha Villalino at Mich Wunder sa Bahay ni Kuya. Nakakuha ng mababang boto sina Kyzha at Mich. Si Kyzha ang nakatanggap ng mababang boto na 2.25% habang si Mich ay nakatanggap ng 5.99%.
Samantala, si Emjay naman ay na-evict dahil sa kanyang kalusugan.
Sina Angela Tungol, Tan Roncal, Lance Carr at Ashley del Mundo na lang ang magste-stay sa Bahay ni Kuya hanggang next week.
Abangan naman sa mga sumusunod na linggo ang huling batch of adult housemates sa Pinoy Big Brother Otso.
Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso weeknights pagktapos ng Sino Ang May Sala, Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at sa Linggo pagkatapos ng Rated K.