BALIK showbiz ang dating dancer ng Wowowee na si April “Congratulation” Gustilo. Sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, gaganap siya bilang kontrabida sa Kapuso fantaseryeng Kara Mia. Ang pangalan ng kanyang character ay si Betty.
Matatandaan natin na isa sa mga huling projects niya sa showbiz ay gumanap bilang bida sa sexy-comedy play na Solo Para Adultos kasama sina Vivo Ouano, John Raspado, Andres Vasquez, at ex-PBB housemate Tori Garcia.
Ano kayang paghahanda ang ginawa ni April? Ano kaya ang reaksyon niya nang malaman na isa na siya sa mga cast ng isang hit na fantaserye? Alamin sa interview na ito.