Ogie Diaz, nagsalita na tungkol sa “pagiging ina” ni Julia Montes

throy photo name

HINDI mamataymatay ang issue tungkol daw sa panganganak ng Kapamilya actress na si Julia Montes. Lalo lang lumalaki ang issue dahil tahimik lang sa panig ni Julia.

Marami ang convince na baka totoo talaga ang balita. Isa na rito ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz.

Nung nakaraang Martes, Abril 23, pinost ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page ang kanyang sagot sa tanong from the netizens tungkol sa issue:

“Mama Ogs, ba’t di pa nagpapakita si Julia Montes?” Tanong ng netizen.

“Hayaan nyo muna siyang namnamin ang pagiging ina.” Sagot ni Ogie

“Ah, so confirmed talaga?”

“Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”

“Isa’t isa? Sino yung isa?”

“Gagah, ‘yung anak niya, hayaan nyo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.” Deklara ni Ogie.

Matatandaan natin na naging usap-usapan ang ‘di umano’y nanganak na si Julia Montes. Napapansin ng mga tao na hindi na nakikita sa sirkulasyon ng showbiz si Julia after ang kanyang big-hit na teleseryeng Asintado.

Ayon sa balita, nanganak si Julia Montes sa isang pribadong ospital sa San Juan at nakatakip daw ang kanyang mukha habang nanganganak.

Nung Easter Sunday, nagsalita ang rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin. Sa post ni Coco sa Instagram, inilabas niya ang kanyang sama na loob sa mga taong pinapakalat na siya raw ang ama ng anak ni Julia.

““Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo!” Sabi sa caption sa post ni Coco.

https://www.instagram.com/p/BwfS6yzhVqv/?utm_source=ig_embed

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s