Kumakalat sa social media ang letrato kung saan mukhang relax at masaya ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa Bukidnon.
Base sa mga report, nagne-nature trip si John Lloyd sa Dahilayan Adventure Park sa Dahilayan, Bukidnon. Kilala rin ang nasabing park sa dahil matatagpuan dito ang pinakamahabang dual zipline sa Asya.
Bago pa man pumunta ng Bukidnon si John Lloyd, nilibut muna niya ang Lanao del Sur at Cagayan de Oro. Maraming nagsasabi na nilibot ni John Lloyd ang Mindanao kasama ang dating vice mayor ng Wao, Lanao del Sur na si Jeremy Guiab. Walang pang impormasyon kung related ito sa politika.

Base sa kumakalat na mga letrato, makikita na malayo na ang itsura ngayon ni John Lloyd kumpara nung active pa siya sa showbiz. Full beard na at wavy ang kanyang buhok. Medyo nagmukhang matanda na rin dahil sa kanyang eye bags. Kahit na iba na ang itura niya, mukhang masaya naman siya sa kanyang ginagawa kasama ang mga malalapit niyang kaibigan.
Matatandaan natin na nag-file ng ‘indefinite leave’ si John Lloyd nung October 2017 for “personal matters”.