MARAMI ang napabilib sa performance ni Maricar Aragon sa concert na pinamagatang March Fever. Todo ang performance, at sa lahat nang nag-perform sa concert, si Maricar lang ang may back-up dancer. Bongga!
Nangyari ang nasabing concert nung Linggo, March 10 sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.
Marami ang napaindak na fans habang kinakanta ang una niyang kantang Sorry Not Sorry na pinasikat ni Demi Lovato. Sumunod naman ang kanyang original singles na Tumataloves, at Everything You Are. Ang huling kanta naman ay ang I’ll Never Love Again na pinasikat ni Lady Gaga.
Ni-release ng recording artist na si Maricar Aragon ang kauna-unahang album na may pamagat na Everything You Are. Ang kantang Everything You Are ay kasama rin sa #SeryosoPoKamiAlbumCD collaboration published by Side Projects Productions in partnership with Erasmostar Talents and Entertainment Management.
Ginawaran si Maricar ng Gawad Pilipino: Music and Youth Special Awards 2018 nung Hulyo 2018. Lumalabas din siya sa mga shows sa iba’t ibang network katulad ng Net 25’s Pambansang Almusal, PTV 4’s Good Morning Pilipinas, My Dream Angel, Story of Love, Dakila Ka Aking Ina, at PTV 4’s Bagong Pilipinas.
Maliban kay Maricar Aragon, nakasama rin sa kantahan ang Kapuso star na si Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), Ara Altamira (GMA’s Daddy’s Gurl), Ivory Recors recording artist Lester Paul, at Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena. Hindi rin nagpahuli ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.
March Fever is presented to you by TJC Entertainment Productions. Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga nag-sponsor: Faye Tangonan, Above Aesthetics Center, Dental First, Inc., Throycath Travel and Tours Agency, Bakes & Brews, RIJ Events and Talents Management, at Frontrow Philippines.
Official media partners are Peoples’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Maricar Aragon, bisitahin ang kanyang Facebook page.