PARANG na-broken-heart ang mga housemates sa Bahay ni Kuya. Kahit na tulung-tulong na sila sa pagbuo ng heart tower ay nabigo pa rin sila.
Buntik na silang sumuko nang bumaksak sa unang pagkakataon ang heart tower, pero inisip na lang nila na gawin ang task at pag-aralan kung ano ang susunod na gagawin.
Ang mas nalungkot sa pangyayari ay sina Mitch at Tori Garcia. Sila kasi ang pinili ni Big Brother na maging team leaders.
“Nominated po ako ngayon. Gusto sana at least hindi mag-fail [sa task].” Malungkot na sabi ni Tori.
Panoorin ang nakaka-tense na eksena sa video na ito.
Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at sa Linggo pagkatapos ng Rated K.