BAGO kumain ang mga housemate ay may napansin si Tori Garcia na “hindi tama”. Nakita niyang nakatusok ang serving spoon sa ibabaw ng kanin. “Don’t do this.” Sabi ni Tori sabay hugot ng serving spoon.
According to Tori, hindi magandang gawin iyun dahil ginagawa lang iyun kapag magbibigay ng offering sa patay. Sa mga hindi nakakaalam, si Tori ay lumaki at nag-aral sa Singapore. Dominante ang kulturang Intsik sa Singapore kaya na-adopt na rin niya ito.
Nag-sorry naman si Mark dahil hindi niya alam ang ganitong klaseng dinning etiquette. “Kasi, I was just thinking… I am offering it to my stomach.” Biro ni Mark.
“No. It’s fine. It’s fine. Now we know.” reply ni Tori.
“Dami nating natutunan. Parang United Nations lang ito.” Sabi ni Mark.
Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at sa Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.