Ni: Throy Catan
MATAGAL ng hinihintay ng mga movie fans ang taunang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival. Gaganapin ang nasabing parada sa kahabaan ng kalsada sa Sucat, Parañaque.
Mag-uumpisa ang parada sa Shopwise sa Sucat, pass through Dr. A. Santos Avenue, kakaliwa sa V. Medina Avenue (Kabihasnan), tapos kakanan sa Quirino Avenue, kakaliwa ulit sa Naia Road, kakanan sa Macapagal Boulevard’s eastbound lanes, at magtatapos sa Bradco Avenue.
Ang Parade of Stars ay annual event kung saan pinaparada ang mga magagandang float. Bawat float ay nire-represent ng isang film entry.
Unfortunately, na-delay ang parada dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan. Iyung ibang float ay nabalahaw dahil sa maputik na lupa lalo na ang float ng horror film na Otlum. Ang mga artista naman ay nasa sasakyan habang naghihintay tumila ang ulan.
Mag-uumpisa na sana ang parada ng 1:00 PM. Base sa aming resource, posibleng mag-umpisa ang parada around 2:00 PM.
Ayon naman sa mga organizers at ang MMDA, umaaraw man o umuulan, tuloy pa rin ang parada. At kahit na umuulan ngayon ay willing naman mag-hintay ang mga fans basta lang masilayan nila ang kanilang mga idolo.