Ni: Rohn Romulo
WAGI na naman si Zia Dantes sa sinuot niyang costume sa Halloween Party sa kanilang school.
Sa IG post ni Marian Rivera, “Here’s Ate Zia’s intergalactic space-themed Halloween costume for school.
“The challenge is to make a halloween costume using Recycled Materials.
“Z’s costume used the following materials: umbrella, clothes wire, hose, newspaper, cardboard and tetrapaks. Presenting…. My Miss Intergalactic Space 👑.”
Marami naman ang nagandahan at na-cute-tan sa photos ni Zia, na lumalaki talaga na maganda tulad ni Marian.
Nag-post din si Dingdong Dantes sa kanyang IG account na proud na proud sa kanilang unica hija, “Kahit puyat galing sa trabaho, talaga namang tanggal ang pagod at antok ko nang gisingin ako nitong Intergalactic, Space Model na ito. 😊“Bukod sa kakyutan, na-impress ako sa recyclable materials na ginamit sa kaniyang Halloween costume— damit na gawa sa tela ng payong, alambre, hose, newspaper, cardboard and tetrapaks. At ang buhok…well, wig na yan!😂 Gujab, Mama @marianrivera! Looking forward to our “actual” costumes next week! 🎃👻.”
Months ago nanalo rin si Zia sa anniversary ng school na kung nag-costume naman siya bilang Little Marilyn Monroe.
At katulad nga sinabi ni Dingdong, kaabang-abang nga ang magiging costumes ng pamilya Dantes sa kanilang Halloween Party.