Ni: Throy Catan
MASUWERTE ang mga taga-media at bloggers dahil sila ang unang nakanood ng bagong play ni RS Francisco na M. Butterfly. Nangyari ang press conference kahapon, September 12 sa Maybank Performing Arts Theatre sa BGC.
Sobrang bongga ang set design, at ang mga costume ng mga aktor lalo na ang costume ng Peking Opera singer na si Song Liling na ginampanan ni RS Francisco. 15 costumes including wig ang ginamit ni RS Francisco, at umabot sa mahigit PHP 1 milyon ang halaga ng costume.
Ayon kay RS, imported ang lahat ng wig galing United States, at ang mga costume ay dinesenyo nang sikat na costume and fashion designer na si Eric Pineda. In fairness, maganda ang lahat ng costumes at nagre-reflect sa personality ni Song Liling.
And, of course, hindi natin makakalimutan ang magandang performance ni RS Francisco at ang gumanap na French Diplomat René Gallimard na si Olivier Borten. Aakalain mo talagang babae si RS dahil sa galaw at ang kanyang pananalita. Hindi nagpatalo ang French actor na si Olivier kahit first time niya mag-perform on stage sa Pilipinas.
Kasama rin sa nasabing play ay sina Lee O’ Brian, Norman McLeod, Mayen Estañero, Rica Nepomuceno, Maya Encila, at Pinky Amador. Ang direktor ng dula ay si Kanakan Balintagos (director of Pisay, Busog at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). Sa produksyon ng Tony Award Winner na si Jhett Tolentino at ang Frontrow Entertainment. Mapapanood ang M. Butterfly mula September 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City. Mabibili ang tickets online.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang M. Butterfly’s official Facebook page at ang M. Butterfly’s official Instagram account.