Ni: Throy Catan
Maraming entertainment media at movie goers ang na-impress sa pag-arte ni Erika Mae Salas sa pelikulang Spoken Words. Nagkaroon nang grand premiere night ang nasabing pelikula sa SM North EDSA kahapon, August 25. Kahit na sobrang ikli ang screen time ni Erika, ang karakter niya ay isa sa mga nakatatak sa isipan ng mga manonood.
Nagkaroon kami ng chance na makausap si Erika after ng grand premiere. Magiliw na sinagot ni Erika ang mga katanungan mula sa entertainment press. Ano kaya ang reaction niya tungkol sa kanyang role? “Even if small role lang po iyun, sobrang bless and honored na makasama po sa film. Kasi it’s my first film ko pa lang po, hindi naman po ako nag-e-expect na major role agad. So, okay lang po ako sa dahan-dahan.” Sabi niya.
Mas unang nakilala si Erika bilang isang recording artist ng Ivory Music, pero ngayon mukhang aarangkada ang kanyang pangalan bilang isang aktress. Anong sey mo, Erika? “Grabe nga po. Nakaka-pressure po, eh. Kasi po first time ko po makita [ang sarili ko] po sa big screen. Sobrang honored and thankful po ako na nakasama po ako sa film.” Deklara niya.
Natanong din namin kung ano ang kanyang dream role. “Ang dream role ko po is maranasan ko po maging bida pero iyung challenging role po para sa akin iyung parang bida-kontrabida [katulad ng role ni Maja Salvador sa Wildflower].” Sabi ni Erika.
Maliban kay Erika Mae Salas, kasama rin sa pelikulang Spoken Words sina Erwin Bautista Buenaventura, Abe Herma, Jon Romano, Matt San Juan, Mich Rapadas, Patrick Alba, John Patrick Picar, Reinzl Mae Bolito, Marco Novenario, Bavick Revil, Bernice Aquino, at Jay Novenario. Sa panulat nina Joshua Ordoñez at Keziah Rocha. Sa direksyon nina Ronald Abad at John Ray Garcia.
Para sa dagdag impormasyon tungkol sa pelikula, bisitahin ang official Facebook page ng Spoken Words. Kung gusto niyo malaman ang mga upcoming projects ni Erika Mae Salas, visit her Facebook page.