Ni: Jo-Marie Bala
NATUWA ang mga netizen sa videong pinost ni Cherie Gil sa kanyang Facebook page.
Sa video, ginaya niya ang isang sikat na eksena sa pelikulang Bituin Walang Ningning kung saan sinabuyan ni Lavinia Arguelles (Cherie Gil) ng white wine si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) pagkatapos sabihin ang iconic na linyang, “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!”.
Pero, sa video, bumaliktad ang role. Ang nag-ala-Lavina ay ang kanyang ina na si Rosemarie Gil.
Sa video spoof, sinabi ni Cherie Gil sa kanyang ina na mas mataas ang rating ng Kapuso show niyang Onanay na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Jo Berry, kumpara sa show ni Rosemarie na Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan naman nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Nagtaray naman si Rosemarie na parang si Lavinia, at sinabi ang sikat na linya, tapos biglang sinabuyan ng tubig kay Cherie Gil.
Marami ang natuwang netizens sa video base sa mga komento nila.
Mapapanood ang Onanay pagkatapos ng Victor Magtanggol sa GMA Telebabad ng GMA, at ang Ngayon at Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.