Ni: Rohn Romulo
INALABAS na ng McDonald’s noong August 2 ang latest commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa tweet ng @McDo_PH, “May mga tambalang hinding-hindi mo makakalimutan. #AldubMcDoPaRin! Turn up the volume para mas masarap panoorin!”
Marami ang natuwa at napasaya lalo na ang mga AlDub Nation sa muling pagsasama nina Alden at Maine, na kung saan nagustuhan din ang ginamit na kanta ng Eraserheads na “Minsan”.
Kahit nga alam na natin kung ano ang nangyari sa kanilang loveteam, pero ayon sa mga nakapanood ng video commercial ay may kilig pa rin na naiwan na kahit iba na nga lang ang intensity, kumpara noong mga nakaraan niyang TV commercial na ginawa.
Panalo ang ending ng TVC na kung saan pabirong dinaplisan ni Alden ang balikat ni Maine, at ang ganda ng reaction ng dalawa na parang nagkukulitan lang.
Pero kitang-kita na bagay na bagay talaga ang dalawa, kaya mahirap na silang paghiwalayin, at marami pa rin ang nagsasabi na after three years, buhay na buhay pa rin ang AlDub fever.