Mapapanood niyo na ang “I Love You Hater” via TFC@theMovies

throy Catan
Ni: Throy Catan

Poster 1 (2)

Gusto mo ba panoorin ang bagong pelikula nina Josh Garcia, Julia Barretto, at Kris Aquino kahit wala ka sa Pilipinas?

Bilang pagpapatuloy ng ika-25th anniversary ng Star Cinema, isang engrandeng film comeback at balik-tambalan ang handog ng ang film production at distribution unit ng ABS-CBN sa I Love You Hater.

Ang contemporary movie na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula July 19, ang pagbalik-pelikula ng Queen of Media na si Kris Aquino. Huling napanood sa pelikulang Feng Shui noong 2014, nagbabalik si Aquino sa isang genre na madalas niyang kinalabasan bago siya nagawi sa linya ng horror.

Sa pelikula, isa siyang online media mogul na si Sasha na hanap ang ultimate assistant na kayang sabayan ang laro ng kaniyang isip.

Ani director Giselle Andres, naisip nila si Aquino dahil perpekto ito para sa role. “Wala kaming maisip na ibang artista para sa role kung hindi si Kris. Inisip kong hindi naman niya ito tatangapin so bakit hindi (itanong). At noong tinangap niya ito, laking gulat ko dahil wala akong naging problema. Napaka-professional niya,” pagtatapos ni Andres.

Giselle

Ang “I Love You Hater” ay pagbabalik-tambalan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto na huling nagsama sa pelikulang Unexpectedly Yours noong nakaraang taon.

Sa “I Love You Hater,” dalawa silang young professional na may nais patunayan sa kanilang pamilya at nais maatim ang kanilang mga pangarap. Sa umpisa’y halos magalit sila sa isa’t-isa ngunit sa huli ay maiisip nilang dapat magpakatotoo sila sa kanilang sarili. Sa panahon ng fake news at filters, papatanuyan ng pelikulang “I Love You Hater” na mas mangingibabaw ang katotohanan at kapatawaran.

Ani Aquino, ang forgiveness ay isang regalong mabibigay mo sa sarili mo. “Forgiveness is not about the person saying sorry or because that person loved. Forgiveness comes because you are giving yourself the gift of forgiveness especially for the person you love and you loved. You don’t have to say the words sorry to be able to forgive.”

Mapapanood ang “I Love You Hater” via TFC@theMovies:

  • Brunei at Papua New Guinea – July 19
  • U.S., Canada, at Saipan – July 20
  • Thailand – July 21 at 28
  • Australia at New Zealand – July 26

Para sa karagdagang information, bisitahin ang TFC official website o ang official TFC Facebook page sa inyong area. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at bisitahin ang KapamilyaGlobalPR at KapamilyaTFC via Facebook, Twitter at Instagram.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s